3 solon, 43 iba pa pinangalanan ni Digong bilang ‘narco politicians’

PINANGALANAN ni Pangulong Duterte ang tatlong kongresista at 43 iba pang lokal na opisyal sa inisyal na listahan ng umano’y ‘narco politicians’.

Bukod sa tatlong mambabatas, kasama sa listahan ang 35 mayor, pitong vice-mayor, at isang provincial board member.

Kabilang sa listahan ng narco politician ay tig-iisa sa Ilocos Region, Cagayan Valley, MIMAROPA, at CARAGA Region; tig-dalawa sa Central Visayas at Zamboanga Peninsula; tig-tatatlo sa Central Luzon at SOCCSKSARGEN; apat sa Northern Mindanao; at lima sa Western Visayas.

Samantala, tig-10 naman ang nakasama sa listahan ng narco politician sa Calabarzon at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Read more...