BANDERA "One on One": Jackie Rice | Bandera

BANDERA “One on One”: Jackie Rice

|January 25,2010
facebook
share this

BANDERA “One on One”: Jackie Rice

- January 25, 2010 - 01:50 PM

JACKIE Rice, the third Starstruck Ultimate Female Survivor,  is on the rebound. But it took maturity and a broken heart para bumalik ang sigla ni
Jackie sa pag-artista.
Now, the January cover girl of FHM will soon be given the second chance of a top billing alongside established stars Jolina Magdangal, Polo Ravales, JC De Vera and Lovi Poe sa upcoming Panday Kids, Bandera had a one on one conversation with the rediscovered leading lady of GMA Artist Center.

BANDERA (B): Ilang beses mo nang gustong mag-quit noon sa showbiz.
JACKIE RICE (JR): Ang daming beses na po. Ang daming beses ko na noong nagsabi na ayoko na. Ilang beses akong umiyak sa papa ko sabi ko hindi ko na kaya. Ayoko na ng ganito.

B: And now you’re back. Ano ang nagtulak sa iyo na ituloy-tuloy na?
JR: Bata pa po kasi ako noon (she was 14 when she won sa Starstruck). Hindi ko pa alam kung ano talaga ang gusto kong gawin. Sinubukan ko lang. Noong nanalo na ako, nabigla ako, ang hirap palang maging artista.  Sa mga tapings noon, kapag wala akong ginagawa, naririnig nila akong nagrereklamo, ‘Boring…’ pero ngayon, sige lang, bigyan n’yo pa ako ng trabaho. Hindi ko nga alam ngayon na inuumaga na pala ako sa taping dahil nag-e-enjoy na ako sa mga ginagawa ko.

B: Good thing you were given the second chance ng GMA 7, comment?
JR: Oo nga po. At least ngayon I’m 19, I know na binigay sa akin ito ng Diyos for me to do something. Hindi ko na ito pakakawalan. Ang suwerte ko nga sa GMA Artist Center. Noong nagsabi ako that I want to go back again, gumawa agad sila ng paraan.

B: Kasama ba talaga sa plano mo ang sumabak sa pagpapa-sexy, pati na rin ang mag-pose sa FHM?
JR: Hindi naman po all-out sexy. Matagal na nila akong nililigawan. Noong nanalo pa lang ako, sabi nila maghihintay daw sila sa akin. E ang bata ko pa noon, 14 pa lang ako. Saka noon, ayoko talaga. Pero ngayon, sabi ko teka, hindi lahat inooperan na maging cover girl. Sige na nga (tawa).

B: Pinaghandaan mo talaga ang pictorial mo? How?
JR: Hindi po ako kumakain noon, saka puro exercise. Kasi ayokong masabihan na photshopped lang ang mga pictures. May video pa sila noon sa pictorial para ipakitang ayan talaga ang katawan ko.

B: Kamusta naman ang sales?
JR: Noong sinabi sa akin na napakalakas ng sales, hindi ako naniwala. Pero noong autograph-signing na, nagulat ako. Ang haba ng pila. Kaya ‘yung dapat na dalawang oras lang, umabot ng mga apat kasi pinirmahan ko lahat ng pumila. Alam ko kung paano pumila ng matagal tulad noong Starstruck pa lang ako. Ayoko naman na naghintay sila ng ganoong katagal tapos hindi pala nila mapipirmahan. Kaya kahit pagod na ako, pirma pa rin. Kahit may mga nanghihipo na, sige lang, tiis na lang.

B: E, di mas dumami pa ang nanliligaw ngayon sa iyo?
JR: Dumami po, dumami rin ang fans ko. Pati friends ko sa Facebook ( tawa). Noon, nandiyan lang sila, hindi ako makamusta. Ngayon, nagtatanong sila kung puwede kaming lumabas sometimes.

B: May kapalit na ba sa puso mo si Biboy Ramirez?
JR: Wala po muna. Career po muna talaga. Sayang ‘yung chance this time e. Tapos na muna ako diyan.

B: Pero alam mong sila na ni Vaness del Moral? Sa pareho nilang Facebook accounts, ang profile pictures nila, iisa. Yung parang kissing sila. At open ang relationship nila. Kay Biboy, listed na in a relationship siya kay Vaness at ganoon din si Vaness.
JR: Di maganda. At least I’m happy for them. Talaga, friends kami ni Vaness, ka-batch ko siya e. Gusto ko maging happy ang lahat.

B: Nakausap mo na ba sila about this?
JR: Hindi pa e. Alam ko sila na, nagkikita kami pero hindi na namin pinag-uusapan ito. Basta ang mahalaga masaya sila at masaya ako para sa kanila. Saka matagal na ‘yung sa amin ni Biboy, more than a year na mula ng nag-split kami. Pareho na kaming nag move on.

B: Dati, tinatago ang relasyon n’yo ni Biboy, ngayon open siya kay Vaness.
JR: Kasi dati po bata pa ako. Saka noong panahon na ‘yun ayoko na talagang mag-artista kaya hindi ako nakikita ng tao. Hindi ako tinatanong.

B: Once and for all, linawin mo ang naging issue sa inyo ni Manny Pacquiao noon, totoo bang nagkaroon kayo ng relasyon?
JR: Yes, may ganyang issue ngang lumabas dati. Pero wala ‘yun, hindi totoo. Pero inaamin ko, fan talaga ako ni Mr. Manny Pacquiao, idol ko siya. Sino ba naman ang hindi hahanga sa kanya, di ba? Pero hanggang dun lang ‘yun, so walang dapat ipag-alala ang mga tao. Siguro kaya nagkaroon din ng ganyang issue dahil sobrang sweet at gentleman talaga ni Mr. Manny, lahat friends niya. Lahat malapit sa kanya. Ganu’n lang ‘yun.

B: Hanggang saan ang gagawin mong paghububad?
JR: ‘Yung tama lang. ‘Yung kahit na nakahubad ako, parang wholesome pa rin ang dating. Naku gagawin akong bida sa next soap ko, pambata. Baka naman magulat yung mga bata kapag sumobra ang pagpapa-sexy ko (tawa).

— interview ni Dinno Erece, BANDERA Entertainment

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naaliw ka ba sa interview kay Jackie? Mayroon ka bang gustong maka-one-on-one ng Bandera. Magkomento sa 0929-5466-802 at 0906-2469-969.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending