Air Force magsasagawa na ng cloud seeding

MAGSASAGAWA na ang Air Force ng cloud seeding, o artpisyal na pagpapa-ulan, sa Isabela upang maibsan ang tagtuyot na dulot ng El Niño phenomenon.

Isasagawa ang inisyal na cloud seeding sa Cauayan City, ngayong Sabado o Linggo, para mabawasan ang epekto ng tagtuyot sa mga pananim at magsasaka, sabi ni Maj. Aristides Galang, tagapagsalita ng Air Force.

Ilulunsad ito matapos maikabit ang kaukulang equipment sa mga Nomad plane na manggagaling sa Mactan, Cebu, aniya.

Di masabi ni Galang kung ano pang lugar ang tinatarget para sa cloud seeding, kahit ang mga lugar nanagsusuplay ng tubig sa Metro Manila at mga kalapit lugar, na dumadanas na ng water shortage.

“‘Yung ibang area for the cloud seeding, ang DA (Department of Agricuclture) naman ‘yung magde-determine,” aniya.

Una dito, naglabas ang DA ng P18.3 milyon sa mga regional office nito para sa cloud seeding, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Nairerekomenda palamang ang cloud seeding para sa Cagayan Valley at Central Mindanao, simula Maso 14 hanggang Mayo 21, ayon sa NDRRMC.

Bukod sa mga naturang rehiyon, na-monitor na rin ang mga epekto ng tagtuyot sa Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, MIMAROPA, at Bangsamoro autonomous region, kung saan libu-libong magsasaka na ang naapektuhan.

Read more...