Nadine inokray-okray ni Leo Martinez sa ‘Ulan’, Carlo magaling magpakilig

NADINE LUSTRE AT CARLO AQUINO

NAIINTINDIHAN na namin ang sinasabing “magic realism” ni Direk Irene Villamor sa bago niyang obra na “Ulan” starring Nadine Lustre, Carlo Aquino and Marco Gumabao.

At gets na rin namin kung bakit kailangang gumamit ni Direk Irene ng “tikbalang” sa pelikula. Yes, it’s a romance-drama (at hindi horror) with a touch of comedy kaya siguradong makaka-relate rin ang mga manonood.

“Magic realism kasi siya, ‘yung pagkagamit ng mga supernatural or magical elements into a narrative.

It’s a mix of, hindi siya romantic comedy, hindi din siya drama love story, it’s a mix of a lot of genres, plus may magic realism factor. So I think it’s new relatively sa Pilipinas. Bagong putahe,” sabi ni Direk about “Ulan”.

Napanood na namin ang movie at in fairness, tama ang sinabi ni Direk Irene at ni Nadine na malayung-malayo ito sa past movies na nagawa nila.

Bukod sa bagong akting na ipinakita ng girlfriend ni James Reid, lutang na lutang din ang kanyang classic beauty na Pinay na Pinay. Naalagaan nang bonggang-bongga ni Direk Irene ang kanyang mga anggulo.

Malakas din ang chemistry nila ni Carlo Aquino na ang gwapo-gwapo rin sa pelikulang ito at ang lakas din niyang magpakalig.

Ayon kay Nadine, hindi siya nahirapang mag-adjust kay Carlo bilang bagong ka-loveteam, “Surprisingly it was very instant kasi sobrang professional siya. And hindi kami nahirapan na gumawa ng eksena agad.

“Kasi usually pag bagong team up medyo awkward pa in the beginning. Pero kami parang nag-click kami agad. Parang matagal na rin kaming magkakilala which is good,” dugtong pa ng dalaga.

Proud na proud si Nadine sa “Ulan” at sabi nga niya kung bibigyan siya uli ng chance gusto niyang gumawa ulit ng ganitong klaseng pelikula, “Para po sa akin this is the kind of movie na hindi takot na mag-take ng risk. So I think hopefully in the future parang a lot of people will get inspired.”

Hindi na kami masyadong magkukuwento tungkol sa tema at konsepto ng pelikula, pero sure na sure kami na hindi kayo magsisisi kapag pinanood n’yo ang “Ulan”.

At kung may isa pang nagmarka sa amin sa kabuuan ng pelikula, yan ay ang mga eksena ng veteran actor na si Leo Martinez. Grabe siya! Talagang inokray-okray niya si Nadine sa movie! Ha-hahaha! Sana lang hindi siya i-bash ng JaDine fans sa panglalait niya sa dalaga.

Showing na ngayon ang “Ulan” sa mga sinehan nationwide mula sa Viva Films at HOOQ Originals.

Samantala, looking forward din si Nadine Lustre sa mga out of the box pang projects na ibibigay sa kanya tulad ng pangarap niyang action movie with Angel Locsin.

“Oh my God! Hopefully. Sana, sana. I’m excited for that kasi siyempre si Ate Angel ‘yon, kumbaga ibang level din ‘yon. If ever na matutuloy ‘yon I’d be really, really happy,” ani Nadine.

Read more...