Zanjoe, Angelica ipaglalaban ang pamilya, pag-ibig sa huling 2 linggo ng ‘PlayHouse’ | Bandera

Zanjoe, Angelica ipaglalaban ang pamilya, pag-ibig sa huling 2 linggo ng ‘PlayHouse’

- March 14, 2019 - 12:10 AM

ANGELICA PANGANIBAN AT ZANJOE MARUDO

SPEAKING of PlayHouse, sa huling dalawang linggo nito malalaman na kung may happy ending at happily evert after pa sa love story nina Patty (Angelica) at Marlon (Zanjoe Marudo).

Matapos nga nilang mailigtas si Robin (Justin James Quilantang) mula sa bingit ng kamatayan, muli na namang hahadlang ang tadhana na mabuo ang pamilyang kanilang inaasam ngayong malubha na ang sakit ng bata.

Nabunutan nga ng tinik sina Patty at Marlon ngayong naalis na nila si Robin sa kamay ni Peter (Ivan Padilla), na siyang may pakana sa pagdukot sa bata. Pero naging panandalian lang ang kanilang kasiyahan matapos nilang matanggap ang balitang kakailanganin ni Robin ng agarang kidney transplant para mailigtas mula sa sakit nito.

Sa kabila naman ng hindi nila pagkakaunawaan, ito naman ang magtutulak sa dalawa na gumawa ng sakripisyo nang magkasama para kay Robin at tuluyan nang ipaglaban ang kanilang legal guardianship sa bata. Ngunit ang magkasama nilang laban ay magiging dahilan din ng pagbubukas ng mga sugat ng kahapon na siya ring magbabalik ng saya at sakit ng dati nilang pag-ibig.

Bukod sa kondisyon ni Robin, palaisipan din sa dating mag-asawa kung nasaan na nga ba si Peter, na nagpaplanong maghiganti sa kanilang buong pamilya. Mabuo pa nga kaya nina Patty at Marlon ang pinapangarap na tahanan para kay Robin?

Samantala, dahil sa makapigil-hiningang misyon nina Patty at Marlon noong nakaraang linggo na sagipin si Robin, nakakuha ang PlayHouse ng national TV rating na 17.9% noong Huwebes (Marso 7), base sa datos ng Kantar Media.

Kasama rin sa PlayHouse sina Isabella Daza, Kean Cipriano, AC Bonifacio, Ariella Arida, Dexter Doria, Nadia Montenegro, Ingrid dela Paz, Jomari Angeles, Malou de Guzman, Smokey Manaloto at Maxene Magalona.

Tutukan ang PlayHouse tuwing umaga sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending