Angelica nagpaka-hopia kay Carlo: Yun ang sabi niya, umasa raw ako…

ANGELICA PANGANIBAN AT CARLO AQUINO

TULUYAN na ngang nawasak ang relasyon nina Angelica Panganiban at Carlo Aquino.

Mukhang pinaasa nga ng aktor si Angelica na magkakaroon ng part 2 ang kanilang love story pero nauwi lang sa wala ang lahat dahil nga sa mga epal at pakialamerang taong nakapaligid sa kanila.

Nakorner ng ilang members ng press si Angelica after ng finale presscon ng daytime series na PlayHouse at dito nga siya natanong sa tunay na estado nila ni Carlo.

Sa panayam kay Angelica pagkatapos ng PlayHouse presscon, isa-isang sinagot ng aktres ang mga tanong na may kaugnayan kay Carlo. Unang-una, ayaw na niyang makatrabaho ang kanyang ex-boyfriend.

“Hindi na muna siguro. Siguro panahon na lang ang makakapagsabi. Kung buhay pa siguro ako nu’n. Pagtanda namin, mga Tita Glo, ganu’n,” chika ni Angelica ang tinutukoy ay ang veteran actress na si Gloria Romero na 85 years old na ngayon.

Sunod na tanong kung magkaibigan pa ba sila ni Carlo, isang diretsong “No” ang kanyang tugon. Wala na rin daw silang communication ni Carlo.

“Matagal na rin. Basta matagal na rin,” aniya pa. Civil lang daw sila ng aktor kapag nagkakasama sa taping ng PlayHouse. In fairness, napaka-professional nila dahil kahit dedmahan in real life ay nagagampanan pa rin nila ng mahusay ang kanilang karakter.

Nanghihinayang ba siya sa nangyari sa kanila ni Carlo? “Yun naman yun, e. Yun naman yung nararamdaman ko, disappointed.”

At nang matanong kung feeling ba niya ay pinaasa lang siya ni Carlo, “Yun ang sabi niya—umasa daw ako. So…” biting sagot ng dalaga.

Dugtong pa niya, “Sa lahat naman ng sinabi niya, ipinakita niya, yun naman ang hinihintay ko. Sabi niya, gusto niyang maging maayos siya.

“Baka inaayos niya ang sarili niya ngayon,” aniya pa.

Third party ba uli ang dahilan? Natigilan sandali si Angelica bago sumagot, “Hindi ko… ayokong sagutin. Hindi makakatulong sa iba,” aniya. Na-feel ba niya na ginamit lang siya ni Carlo?

“Mahirap ‘yan sagutin. Kailangan pang ipa-analyze. Hindi ko pa kayang sagutin sa ngayon,” hirit pa ng tinaguriang Hugot Queen.

Last week, nag-post si Angelica sa kanyang social media accounts tungkol sa isang babaeng netizen na naninira sa kanya. Sa comments section ng Instagram ng aktres, sinabi ng ilan niyang followers na dating fan ni Carlo ang girl na naging kaibigan na nito.

Read more...