PINAIIMBESTIGAHAN ng isang solon sa House committee on good government ang biglang pagkawala ng suplay ng tubig sa maraming lugar sa National Capital Region, Rizal at Cavite.
Inihain ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate ang House Resolution 2518 upang matukoy umano kung nagkaroon ng kapabayaan kaya nagkaroon ng kakulangan sa suplay ng tubig.
“Thousands of people were deprived of water service since March 8 and were reduced to waiting for water tankers or opening fire hydrants just to have water,” ani Zarate.
Sinabi ni Zarate na ang epekto ng El Nino ay maaaring mabawasan at matagal na umano itong ibinabala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration.
“El Nino phenomenon is predictable and measures can be done to prepare for it, but it seems that the water concessionaires did not do so.”
Sinabi rin umano ng National Water Resources Board at Metropolitan Waterworks and Sewerage System na walang problema sa suplay ng tubig pero ang katotohanan ay walang tumutulong tubig sa maraming bahay.
Sinabi naman ni PBA Rep. Koko Nograles na maaaring nagkaroon ng ‘mismanagement’ na nagresulta sa kakapusan ng suplay.
“The water interruptions are localized within the concession areas of Manila Water. This is simply mismanagement. Manila Water should be truthful to the public instead of blaming Mother Nature for their negligence,” ani Nograles.
Sinabi ni Nograles na kung nakagawa ng paraan ang Maynilad para maiwasan ang kakulangan ng suplay ay bakit hindi ito nagawa ng Manila Water.
“Maynilad has been very busy upgrading its system and its network even until now. “If Manila Water cannot serve their concession, perhaps Maynilad should take over,” ani Nograles.