Janine todo-rampa sa Tokyo para sa LV summer collection


PASIKRETONG nagtungo si Janine Gutierrez last December sa Japan para mag-shoot ng tinatawag na “lookbook” kung saan featured ang spring-summer collection ng Louis Vuitton 2019 in collaboration with Preview magazine.

Sa video ng magazine na inilabas ni Janine sa kanyang Instagram account, todo-rampa ang bida ng Kapuso afternoon series na Dragon Lady sa ilang kalye sa Tokyo.

Lutang na lutang ang ganda ng dalaga habang gamit ang ilang produkto ng luxury brand.

Anyway, tuloy pa rin ang adventures at misadventures ni Janine sa kanyang bagong series na Dragon Lady after Eat Bulaga.

Abangan ang mga nakakakilig at madadramang eksena nila ni Tom Rodriguez na siguradong pag-uusapan na naman ng mga manonood.

q q q

Bigger prizes ang ipamimigay ng Office of the Vice President, Ayala Foundation at Film Development Council of the Philippines sa 2019 Instorya ng Oag-asa (INP) Film Festival.

“It is our hope that through Istorya ng Pag-asa – lalo na ‘yung Istorya ng Pagasa Film Festival – Filipinos will be united around the common values of hope, of perseverance, deep faith, and the goodness of humanity. Kasi ‘yun ‘yong underlying theme ng bawat kuwento,” pahayag ni VP Leni Robredo sa presscon ng nasabing movie fest.

Sa gustong magsumite ng kanilang entry, ang deadline ng submission ay sa March 25, 2019, log in lang kayo sa www.istoryangpagasa.ovp.gov.ph para sa detalye.

Read more...