Nadine nag-shine sa ‘Ulan’ kahit hindi si James ang ka-loveteam, binigyan ng ‘Grade A’ ng CEB


MAGBABALIK-VIVA Films na si Megastar Sharon Cuneta.

Ito ang kinumpirma sa amin ni Boss Vic del Rosario sa premere night ng pelikulang “Ulan” last Monday sa Trinoma cinema.

Wala pang detalye sa magiging comeback project ng Megastar sa film outfit na nagpatingkad sa kanya nang todo bilang isa sa showbiz giants pagdating sa mundo ng pelikula nu’ng mid-90s.

Nasa Canada at US ngayon si Shawie para sa kanyang 40th anniversary concert tour. Pagbalik niya sa bansa ay tatapusin muna niya ang horror movie niyang “Kuwaresma” under Erik Matti produced by Reality Entertaiment.

Anyway speaking of “Ulan,” pang-best actress ang ipinakitang acting sa movie ng bidang si Nadine Lustre. Hindi ito ordinaryong love story pero maganda ang pagkakagawa ni direk Irene Villamor.

Nakakuha rin ito ng Grade A mula sa Cinema Evaluation Board. Kasama rin sa pelikula sina Carlo Aquino at Marco Gumabao. Bagay din naman pala siyang itambal sa ibang leading man.

Read more...