Aktres umariba uli ang kaartehan, nail technician nabiktima | Bandera

Aktres umariba uli ang kaartehan, nail technician nabiktima

Cristy Fermin |March 13,2019
facebook
share this

Aktres umariba uli ang kaartehan, nail technician nabiktima

Cristy Fermin - March 13, 2019 - 12:15 AM


MASAMANG-MASAMA ang loob ng isang nail technician sa isang female personality na palaging bina-bash sa social media. Nagpairal na naman kasi ng kaartehan ang babaeng personalidad sa isang magazine cover shoot.

Matagal na ngang pinaghintay ni maarteng aktres ang nail technician ay meron pa siyang ginawang ikinaloka ng mga nandu’n.

Kuwento ng aming source, “Nakakaawa naman ‘yung nail technician na gagawa dapat sa mga kuko niya para sa pictorial. Hindi na siya nag-report sa salon kahit pa malakas ang araw na ‘yun dahil maraming magpapagawa sa kanya ng nail designs.

“Maaga pa lang, e, nasa studio na ang nail technician, ayaw niyang ma-late sa schedule na ibinigay sa kanya. Pero ‘yung maarteng female personality, e, dumating nang late na late na.

“So, magsisimula na sana siyang gawin ng nail tech, lilinisin na dapat ang mga kuko niya, pero ayaw ng girl! Hindi raw siya puwedeng gawin, ayaw niyang papalitan ang kung anumang nasa mga kuko niya.

“Nu’ng sabihin ng coordinator na ang kailangan, e, ang gagawin ng nail tech dahil summer ang pictorial, nag-inarte na naman siya. Ayaw niya talaga.

“Marami siyang sinasabing reasons para lang hindi siya gawin ng nail tech, hanggang sa nu’ng bandang huli, e, sinabi na niyang meron daw kasi siyang sponsor na nail salon, bawal daw siyang magpagawa sa iba.

“Pero bago niya tinanggap ang pictorial, tinanong na siya ng coordinator kung wala bang conflict sa kanya ang ibang salon na gagawa sa nails niya. Wala raw, okey lang daw, kaya nagtaka ang mga nandu’n kung bakit niya sinabing bawal sa kanya ang ganu’n dahil may sponsor daw siyang nail spa.

“Talaga palang mahirap ispilengin ang ugali ng babaeng ‘yun! Kaya pala maraming naiinis sa kanya, iba pala talaga siyang mag-inarte.

“Kaya pala ang mga movies na ginagawa niya, e, palaging flopey, kasi nga, marami siyang ginagawang hindi katanggap-tanggap ng mga katrabaho niya!

“Paano kaya tumatagal sa kanya ang boyfriend niya? Nakakaloka siya, masyado siyang feeling! Inis na inis sa kanya ang nail tech na inabala niya, tapos, wala rin naman palang mangyayari!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Naku, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, papuntahin n’yo nga sa isang lugar sa Manila na pugad ng mga aktibista ang babaeng ‘yan?” inis na pagtatapos ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending