Matteo ipaglalaban ang pag-ibig sa gf: Bulletproof kami ni Sarah!


“BULLETPROOF kami ni Sarah (Geronimo)!” Yan ang ipinagdiinan ni Matteo Guidicelli sa gitna ng chika na nagkaroon sila ng tampuhan nang subukan nito ang skydiving.

Dinenay ng hunk singer-actor-athlete na pinag-awayan nila ni Sarah ang pagtalon niya sa ere mula sa isang aircraft last month sa Pangasinan.

Sa pre-birthday celebration ng Kapamilya actor sa Magandang Buhay sinabi nitong going strong pa rin ang relasyon nila ng Pop Princess sa kabila ng ilang challenges na pinagdaanan nila.

“Wala namang tampuhan. Bulletproof kami ni Sarah. We’re okay,” ang paniniguro ni Matteo.

Paliwanag niya, ang pagsubok niya ng Skydiving ay isa sa mga paraan ng pagpo-promote niya ng local sports, na in-organize ng Philippine Army at Special Forces.

“We wanna show that its safe, and people can do it. And people don’t have to travel abroad to do it, and they can do it here,” chika pa ng boyfriend ni Sarah.

Samantala, ipinaliwanag din ng binata ang reason kung bakit nagdesisyon siyang iwan ang Star Magic at lumipat sa Viva Artists Agency.

“I’m very very thankful sa eight years na naging parte ako ng Star Magic. The reason of me to move is because, my relationship with Sarah is very serious and hopefully things go as planned.

“We planned to be in the same management also,” chika pa ni Matteo.

Read more...