Nadine sa pag-amin ni James na nagli-live in na sila: Parang hindi na po bagong issue yun!

NATAWA  lang si Nadine Lustre nang hingan siya ng reaksyon ng press tungkol sa pag-amin ni James Reid na nagsasama na sila sa isang bubong.

Para sa aktres, lumang issue na raw ito kaya hindi na big deal sa kanya. “Parang hindi na naman bagong issue yun. Ha-hahaha! Ewan ko ba kay James,” ang pahayag ni Nadine sa red carpet premiere ng pelikula niyang “Ulan” mula sa Hooq at Viva Films kamakalawa ng gabi sa Trinoma cinema.

Dugtong pa niya, “But really, I didn’t really want to say anything before kasi hindi naman importante na malaman din ng ibang tao but I guess it’s out. Para kasing hindi naman din surprising since medyo obvious din naman siya so ‘yun.”

Sey pa ng dalaga, hindi nagkulang ng suporta sa kanya si James sa loob ng tatlong taon nilang relasyon.

Sa katunayan, kahit busy, talagang umapir si James sa premiere night ng “Ulan” para sabay nila itong mapanood ng dyowa.

Showing na ngayon ang “Ulan” sa direksiyon ni Irene Villamor mula sa Viva Films at N2 Productions.

Read more...