James umaming nagsasama na sila ni Nadine: Yes, we live together

NADINE LUSTRE AT JAMES REID

DIRETSAHAN nang inamin ni James Reid na nagli-live in na nga sila ni Nadine Lustre.

Sa guesting niya sa Gandang Gabi Vice the other night, sinabi ng hunk singer-actor na tatlong taon na silang magkarelasyon ng aktres at habang tumatagal ay mas lalo pa siyang nai-in love rito.

“It’s actually my longest relationship. It doesn’t feel like three years. It’s been so fast,” pahayag ni James.

Sundot na tanong sa kanya ni Vice Ganda, “Kinikilig ka pa din?” Sagot ng aktor, “Yes.”

Comment naman ni Vice, “Kasi, di ba, yun ang fear ng madami, lalo na pag tumatagal? Yung ang daming nagbabago na hindi mo namamalayan—nagbabago yung feelings mo, yung emotions mo, yung dating excitement.

“Kapag lagi kayong nagkikita, parang nawawala,” sey pa ni Vice.

Nang tanungin naman kung totoong nagsasama na sila sa iisang bubong, “Yes, we live together, so, like, did you know that already? Okay, well, we live together.”

“But you know, sometimes kasi, araw-araw kayo nagkikita, no space, sometimes you get too comfortable, but then there’s days when she’s working, super busy, parang ngayon, and when she gets home, it’s like, we really miss each other still, kahit isang araw lang,” sey pa ni James.

Sa ngayon ay may kanya-kanyang projects ang dalawa. Busy si Nadine sa promo ng bago niyang movie, ang “Ulan” kasama sina Carlo Aquino at Marco Gumabao under Viva Films, habang si James naman ay busy sa promo at rehearsal para sa upcoming concert niya with Billy Crawford at Sam Concepcion.

Isa rin siya sa magiging judge ng bagong singing search ng ABS-CBN na Idol Philippines.

Read more...