Liza Dino ipaglalaban ang pagbaba ng bayad sa sinehan; gawing Biyernes ang opening day

SA pakikipagkuwentuhan namin kay Film Development Council of the Philippines Chairperson Liza Dino, nalaman naming nakipag-dialogue pala siya sa movie producers at cinema owners para baguhin ang araw ng pagpapalabas ng pelikula at pagpapababa ng ticket price

Ayon kay Ms. Dino, “We gave them guidelines, sinabi namin na ilipat na sa Friday ang opening ng movies instead of Wednesday para mas maraming manood kasi walang pasok kinabukasan.

“Tapos guaranteed na tatlong araw bago i-pull out like kung Friday ang opening, Saturday and Sunday palabas pa rin, pag hindi kumita, i-pull out na ng Monday and more equitable ratio between Filipino and foreign films, tapos ‘yung mga trailers,” aniya.

Nabanggit ding may government partners ang FDCP na pabor din sa panukalang ito ni Ms. Liza.

Sisimulan daw muna sa P220 para sa student price, “Doon muna mag-start kasi gusto munang i-asses ng film producers kung nasa presyo ba talaga kaya hindi kumikita ang pelikula.

“Kaya sa Wednesday (bukas) malalaman ang sagot, kailangan ang producers at cinemas mag-agree. Pero sa Filipino films lang kasi hindi naman natin madidiktahan ang foreign. Kaya dapat campaign ang gawin,” saad ng CEO ng FDCP.

Nakatsikahan namin si Ms. Liza kasama ang better half niyang si Ice Seguerra sa advance birthday celebration ng asawa ni Sylvia Sanchez na si Art Atayde sa Maxims Hotel nitong Sabado.

Samantala, tinanong kami kung napanood na namin ang pelikulang “Maria” ni Cristine Reyes at kung maganda dahil hindi raw siya nakarating kaya aabangan niya ito sa sinehan.

“Mahilig ako sa action and it’s about time na magkaroon tayo ng female action stars,” sabi ni Liza.

Napanood na niya ang horror film na “Eerie” nina Charo Santos-Concio at Bea Alonzo na idinirek ni Mikhail Red for Crea8 at Star Cinema sa ginanap sa Singapore International Film Festival sa Singapore noong Dis. 3 sa Capitol Theater.

Kuwento niya, “Hiyang-hiya ako kasi panay ang hiyaw ko kasi natatakot ako talaga. Nasa harapan ko sina Ms. Malou Santos, Ms. Charo, Bea tapos nasa tabi ko ‘yung executive ng Singapore filmfest, napapatingin sila sa akin kapag nagsisigaw ako.

“Matatakutin talaga ako, may mga napanood na rin naman akong ibang pelikula, pero itong ‘Eerie’ talaga, grabe, mapapasigaw ka talaga,”aniya pa.

Sumang-ayon naman kami na nakakatakot nga ang “Eerie” base na rin sa trailer na ipinakita sa nakaraang mediacon ng pelikula.

Anyway, sabay magbubukas sa mga sinehan ang “Maria” ng Viva Films at “Eerie” ng Star Cinema sa Marso 27.

q q q

Kahapon ang last submission ng application para sa gustong sumali sa ikatlong taon ng Pista ng Pelikulang Pilipino na gaganapin sa Setyembre.

Nalaman namin na ang daming pelikula pala ang gustong sumali at ‘yung iba ay humihingi ng extension pero mukhang hindi na napagbigyan ang iba, pero sana nakahabol sila.

Masaya naman si FDCP Chairperson Liza Dino dahil ang dami raw gustong sumali na nagpasabi sa kanya kaya ibig sabihin ay successful ang nakaraang dalawang taon ng PPP.

Kung dati raw ay walong pelikula lang ang kasali, ngayong 2019 ay gagawing 10 bilang selebrasyon ng 100 Years ng Philippine Cinema.

“Sana ‘yung 10 movies na mapapasama, tangkilikin ng tao. Nakakatuwa na ang daming interesado, kasi all local films lang ‘yung one week na ‘yun, (Sept. 11-17),” saad ni Ms. Dino.

Ang dami-daming film festivals na sa Pilipinas pero ang ingay-ingay na ng PPP gayung magtatatlong taon palang itong programa ni Ms. Liza. Pero siyempre, pinakaaabangan pa rin ng lahat ang taunang Metro Manila Film Festival tuwing Disyembre.

Read more...