AS usual, na-bash na naman si Jessy Mendiola. What else is new, right?
Isang fan ang nag-comment sa vlog ni Jessy at walang awa niya itong inokray.
“Nakita ko na sa personal si Jessy. Laki kaya ng hita niya, parang butanding,” the basher wailed.
Jessy took it lightly, may class ang kanyang reply as she said “OA naman nung butanding! Una sa lahat, may hita ba ‘yung butan-ding?”
Ipinakita ni Jessy ang kanyang tattoo and said, “Eto yung butan-ding! Ayan oh, butanding yan! Hita ay hita lang, ano ka ba? Malaki talaga yung hita ko. Iniisip ng mga tao na flaw ko yun, pero sa totoo lang mahal ko ang mga hita ko dahil natutulungan naman nila ako. Wag niyo nang pansinin yung hita ko, pansinin niyo yung mga hita niyo! Char.”
Ang payo ng fans ni Jessy ay ‘wag nang patulan ang basher.
“JESSY HUWAG MO NA LANG SILA PANSININ SA SUSUNOD KAHIT MASAKIT KASI HINDI NAMAN IKAW ANG MAKARMA KUNDI ANG MGA TAO NAG BASH SAYO ANG MAKARMA DAHIL SA MASASAMA ANG MGA UGALI NILANG LAHAT AT ONE DAY SILA TALAGA ANG MAKARMA SOON.
“ANG DIYOS NA ANG BAHALA SA KANILA JESSY. KAYA NGA ANG SWERTE MO KASI MARAMING NAGMAMAHAL SAYO KAYA MARAMING NAIINGGIT SAYO KASI BITTER ANG MGA UGALI NILA AT HINDI PA NAKA MOVE ON SA BUHAY NILA KAYA GANYAN SILA SA BUHAY MO HANGGANG MAMATAY SILA SA INGGIT.”
“JESSY DARATING ANG PANAHON SA BUHAY NILA MAKARMA TALAGA SILA DAHIL SA GINAGAWA NILA SAYO AT ANG DIYOS NA ANG BAHALA NA MAGPARUSA SA KANILA. ENJOY YOUR LIFE. GOD BLESS!”
“Ingget lang sila kase hindi nila kayang magpa sexy at mga pangit sila.”