WALANG isyu kay Diana Zubiri kung nanay na ni Janine Gutierrez ang role niya sa bagong afternoon series ng GMA 7 na Dragon Lady.
Kung ang pagbabasihan ay ang edad nina Diana (33) at Janine (29), mukhang imposible ngang maging magnanay sila sa tunay na buhay. Pero paliwanag ng sexy actress, maganda ang role niya sa Dragon Lady kaya hindi niya nahindian.
Ayon sa aktres, sa kanya nagsimula ang malas at suwerte ng kuwento kaya napakalaki ng magiging role niya bilang nanay ni Janine, “First time ko (gumanap na nanay ng tulad ni Janine) at ang ganda ng role, challenging.
“At saka yung story, sa akin nagsimula, so bakit naman hindi. Kailangang subukan na rin natin ang ganyang role para maipakita ko na rin ang aking worth as an actress,” paliwanag ni Diana.
“Hindi naman ako nagdalawang-isip kasi noong pinresent nga nila sa akin, ‘O, maganda ang character mo, sa ‘yo magsisimula ang story.’ At nu’ng mabasa ko nga yung script, nakaka-challenge,” sabi pa ni Diana.
Napapanood ang Dragon Lady mula Lunes hanggang Sabado pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA lang.
Kasama rin dito sina James Blanco, Tom Rodriguez, Maricar de Mesa, Joyce Ching at marami pang iba.
q q q
Siguradong marami ang makaka-relate at mai-inspire sa upcoming Kapuso primetime series na Sahaya na pagbibidahan nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.
Balitang ang konsepto ng programa ay base sa totoong kwento. Ayon sa headwriter ng Sahaya na si Suzette Doctolero, inspired ito sa kwento ng kanyang sariling ina na lumaki sa hirap ngunit nagpursigi upang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga anak.
Tatalakayin sa bagong Kapuso teleserye ang kuwento ng mga Badjaw sa katauhan ni Sahaya na gagampanan ni Bianca na gaga-win ang lahat upang maabot ang kanyang mga pangarap. Abangan ang Sahaya na malapit nang mapanood sa GMA Telebabad!
Siguradong ikagugulat ng mga supporters nina Miguel at Bianca ang mga nakatakda nilang gawin para sa nasabing proyekto and sure rin kami na mas magle-level-up pa rito ang kanilang pagiging maga-ling na aktor.