2019 BNTV Cup 5-Stag National Derby aarangkada na | Bandera

2019 BNTV Cup 5-Stag National Derby aarangkada na

Melvin Sarangay - March 10, 2019 - 06:27 PM


AARANGKADA na ang inaabangang 2019 BNTV Cup 5-Stag National Bullstag Derby sa pagbubukas ng una sa siyam na magkakahiwalay na 2-bullstag eliminations na magsismula Lunes sa Metro Darasa Cockpit sa Batangas.

May garantisadong cash prize na P1 milyon o higit pa ang nakataya para sa entry fee na P5,500 at minimum bet na P3,300.

Ang mga tinatanggap dito na mga bullstag ay ‘yung mga banded noong isang taon para sa 2018 BNTV Cup at mga ‘early birds’ pati na rin ang mga local at national banded bullstags na tumitimbang ng 1.800 hanggang 2.200 kilograms.

Ang 3-bullstag finals ay gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa Abril 2 at iniisponsoran ito ng Pagcor, Thunderbird Platinum, Bmeg Integra, Minami, Las Piñas Coliseum at LDI.

Ang iba pang 2-bullstag eliminations ay gaganapin sa Sta. Barbara Coliseum (Pangasinan) sa Marso 14; Beddeng Cockpit (Vigan, Ilocos Sur) sa Marso 16; Little Coliseum (San Pablo City, Laguna) sa Marso 17; Texas Cockpit Arena (Rizal) sa Marso 19; San Roque Cockpit Arena (Bulacan) sa Marso 19; Bacolor Cockpit (Pampanga) sa Marso 22; San Nicolas Cockpit (Ilocos Norte) sa Marso 23 at Imus Sports Arena (Cavite) sa Marso 26.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending