True ba, si Maine ang laging gumagastos sa date nila ni Arjo?
AY, grabe naman ang tsikang ipinarating sa amin ng ilan naming katsika hinggil sa madalas umanong paglabas ng bansa nina Maine Mendoza at Arjo Atayde.
Iisipin na lang naming mga kontra-pelo lang ang mga ito dahil marami nga ang hindi aprubado sa kinumpirmang relasyon ng dalawa.
Matapos kasing aminin mismo ni Maine ang mga ganap sa kanila ngayon ni Arjo, tila naging normal na rin ang mga anik-anik na isyu.
At ang latest ngang tsismis, diumano’y madalas na “taya” si Maine o ang babae mismo ang mas madalas na gumastos at magbayad ng kanilang mga trips abroad ni Arjo?
Nakakapagpataas lang ng kilay dahil kilala rin naming may kakayahan o very much can afford si Arjo to spend his money, manlibre man siya o para sa sarili niya at lalo na para sa kanyang girlfriend.
Grabe naman ang fan na ito, lahat na lang ginawan ng istorya para lang masiraan si Arjo. Huwag ganu’n! Hahahahaha!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.