ITINANGGI ni Benjamin Alves na may kinalaman ang pagkamatay ng kanyang ama sa paghihiwalay nila ni Julie Anne San Jose.
Hanggang ngayon ay bakas pa rin sa itsura ng aktor ang pagdadalamhati sa pagpanaw ng tatay niya, isabay pa nga ang break-up nila ni Julie Anne.
Ayaw nang magdetalye pa ni Benj sa tunay na reason ng break-up pero wala raw itong koneksyon sa pagpanaw ng ama.
“It would be a disrespect to Julie na sabihin ko na mas nahirapan ako kay daddy kasi those two things were very separate for me,” aniya.
Wala pa siyang planong magka-girlfriend uli.
“I don’t have the capacity or the mental health or the emotional health to do anything but try to find a normal for myself first,” aniya.
MOST READ
LATEST STORIES