Angel kumasa sa ‘hamon’ ni Nadine na gumawa sila ng action movie: Sige, game!


PAGKATAPOS magpahayag ng Kapuso actress na si Kylie Padilla na female role model niya si Angel Locsin, heto naman si Nadine Lustre na nagsabing pangarap niyang makasama si Gel sa isang action movie.

Na-interview si Nads sa isang TV show para sa promotion ng upcoming movie niyang “Ulan” from Viva Films at dito nga niya sinabi na bilib na bilib siya sa galing ni Angel both sa drama at aksyon.

“I love action movies when I was a kid. Even until now and I would want to work with Ate Angel Locsin,” ani Nadine.

Agad namang nagbigay ng reaksyon si Angel sa kanyang Twitter account, “Thanks Nadine! GAAAME! Congratulations in advance sa Ulan! Exciting!”

Samantala, nagkuwento rin si Nadine tungkol sa depresyong naranasan nu’ng namatay ang kanyang kapatid at kung paano niya naging sandalan ang boyfriend na si James Reid.

q q q

Jackpot si Dingdong Dantes dahil kinuha na siyang celebrity ambassador ng mga produktong ipinagmamalaki food company na Persian Avenue, magkakaroon pa siya ng franchise nito.

Ni-launch ang pagiging endorser ni Dong last Friday ng brand sa SM Annex North EDSA. Present din sa event ang may-ari ng produkto na sina Arjay at Paolo Lapid at manager ni Dong na si Perry Lansigan.

Eh, gustung-gusto na pala ng GMA Primetime King ang produkto kaya aniya, “Endorsing them is my pride and pleasure.” Ayon naman sa Lapid brothers ang aktor ang first and only choice nila dahil sakto siya sa imaging ng brand.

Nang matanong kung kailan manganganak si Marian Rivera, wala siyang sinabing eksaktong date pero malapit na raw ang paglabas ng kanilang baby boy.

Read more...