HINDI maikakailang napamahal at tumatak na talaga sa mga manonood na Pinoy ang karakter ni Boyet sa My Special Tatay na ginagampanan ni Ken Chan.
Dahil sa kanyang busilak na puso at pagmamahal sa lahat, naging inspirasyon siya ng Kapuso viewers na hindi hadlang ang kapansanan para maging isang mabuting ama, anak at tao.
Pinatunayan ito ng cast ng serye nang ibahagi nila ang kani-kanilang rason kung bakit mahal nila si Boyet sa #LoveBoyet campaign. Ayon kay Lilet, napaka-pure ng heart ni Boyet at totoo siyang tao kaya naman mahal na mahal niya ito.
Sinang-ayunan siya ni Candy Pangilinan dahil hanga siya sa wagas na pagmamahal na ibinibigay ni Boyet sa lahat ng tao.
Saludo rin sina Barbara Miguel at JK Giducos kay Boyet dahil sa pagiging mabuting tao nito na kayang isakripisyo ang lahat para sa kanyang mga mahal sa buhay.
Maging ang netizens ay nagpaabot ng kanilang pagmamahal kay Boyet online at bumuhos ang heartwarming messages nila para sa kanilang idolo.
Sa pagpapatuloy ng kuwento ng My Special Tatay sa GMA Afternoon Prime, abangan kung anu-ano pa ang susuunging mga pagsubok ni Boyet pati na rin ng kanyang minamahal na si Aubrey (Rita Daniella) at ng kanyang pamilya?
Sa huling episode ng MST, nakidnap nga sina Boyet at Aubrey.