Gerald Santos umani ng papuri sa Miss Saigon UK; balik-Pinas para sa homecoming concert


MATAPOS ang 22 buwang pagganap sa karakter ni Thuy sa Miss Saigon UK Tour, balik-Pilipinas si Gerald Santos para harapin naman ang kanyang singing career sa bansa.

Talagang umani ng papuri ang binata sa Miss Saigon UK with 553 performances bilang batang Vietcong.

He joined Cameron Mackintosh Limited Production in May, 2017 and performed in 14 venues all in all across the UK, Switzerland and Germany for two consecutive years.

In fairness, pagkagaling niya sa Cologne, Germany, kung saan nagkaroon ng last show ang Miss Saigon ni Cameron Mackintosh, agad siyang humarap sa ilang members ng entertainment media para sa kanyang next major concert, ang “Gerald Santos: The Homecoming Concert.”

Ito’y gaganapin sa May 4, 2019 8 p.m. sa The Theater Solaire, kung saan makakasama rin ni Gerald ang The Philharmonic Orchestra. Bukod sa Manila leg, dadalhin din ng Mediabiz Entertainment Production, Echo Jam and Twin M International ang “Gerald Santos: The Homecoming Concert” sa China.

Kuwento ni Gerald, super excited na siyang makapag-perform uli sa harap ng Filipino audience kasabay ng pagsasabing magpapaka-active uli siya siya ngayon sa kanyang singing career sa bansa.

Pero kinumpirma rin niya na kumukuha na siya ng working permit sa UK para ipagpatuloy ang pagtatrabaho doon kung saan siya nag-audition sa ilang play and TV shows.

Kuwento ng binata, napakarami niyang natutuhan sa dalawang taon niya sa Miss Saigon, kabilang na rito ang pagiging independent at pagluluto ng mga Pinoy food.

Inamin din niya na nu’ng unang buwan niya sa UK ay talagang inatake siya ng matinding homesick at isa sa mga nakatulong sa kanya para maibsan ang kalungkutan ay ang pagluluto.

Samantala, sinisiguro ni Gerald na mag-eenjoy ang lahat ng manonood sa kanyang homecoming concert kung saan magiging special guests niya si Jake Zyrus, ang mga nakasama rin niya sa Miss Saigon na sina Aicelle Santos, Joreen Bautista at ang Pinoy music icon na si Leo Valdez.

For ticket inquiries, call lang kayo sa Ticketworld, 891-9999.

Read more...