Kim nag-sorry sa It’s Showtime: Hala, last day ko na talaga ‘to

KIM CHIU

NAG-VIRAL ang video clip ni Kim Chiu na kuha sa isang episode ng It’s Showtime kung saan may nasabi siyang salita na hindi dapat sinasabi on air, lalo na sa oras ng pananghalian.

Guest co-host kasi ang dalaga sa March 6 episode ng noontime show at nasabi nga ni Kim ang “inappropriate word” habang ini-interview ang isang contestant sa Tawag Ng Tanghalan kasama sina Vhong Navarro at Ryan Bang.

Nabanggit ng TNT contestant na ang favorite actor niya ay si John Lloyd Cruz kaya nag-request ang mga host na gayahin nila ang isang eksena sa box-office movie ng aktor na “One More Chance” with Bea Alonzo.

Si Kim ang na-assign para gumanap na Bea habang si Ryan naman ang magpo-portray bilang si Maja Salvador, habang si Vhong naman ang gaganap na John Lloyd.

Sa eksena ay magseselos ang karakter ni Maja kay Bea kaya tinanong ni Vhong si Ryan, “Ano bang itsura ng nagseselos?” Nilamukos ng komedyante ang kanyang mukha with matching galaw ng kamay.

Hirit naman ni Kim, “Bakit parang natatae ka? Parang masakit ang tiyan mo! Huwag naman natatae, hindi naman natatae si Maja!”

Huli na nang ma-realize ni Kim na medyo off ang kanyang mga nasabi kaya agad siyang humingi ng paumanhin on air, “Ay sorry. Mali po ang salita ko. Hindi ko pa na-compose yung feelings ko.

“Hala, sorry talaga, Direk Bobet (Vidanes). Hala, last day ko na talaga ‘to!” dagdag ni Kim. Na sinundan naman ni Vhong ng, “Pasintabi po sa lahat ng kumakain.”

Hirit uli ni Kim, “Pasintabi na po sa lahat ng mga nanonood diyan. Wala po ‘yon, guni-guni niyo lang.”

Dito naman sumingit ang isa pang host ng programa na si Mariel Padilla at nag-dialogue ng, “T’yang Amy (Perez), alam mo na, bukas may public apology ka!”

Kung mataandaan, noong June, 2018 si Amy ang nagbasa ng public apology Showtime para sa “insensitive” orphan joke ng isa sa members ng grupong GirlTrends na si Erin Ocampo.

Read more...