Teddy kay JK Labajo: Kung iyon ang totoong lumabas sa bunganga nya, baka ‘yun siya…


HININGAN ng komento si Teddy Corpuz bilang isa sa miyembro ng bandang Rocksteddy tungkol sa viral video ni JK Labajo kung saan minura-mura niya ang isang sa ginanap na “Rakrakan 2019” sa Circuit Makati City.

Ayon kay Teddy, “Meron dapat siyang social media responsibility. Sa character po kasi, lalabas at lalabas ang character mo sa gig kung sino ka talaga. Hindi ko sure if it’s an act to be a rakista kasi puwede akong kumanta na parang lasing, hindi ko alam kung act ba ‘yun o persona o sine-send nila o attitude or its their own true self.

“So, kung iyon ang totoong lumabas sa bunganga ni JK, siguro baka ‘yun siya. I don’t mean to disrespect JK kasama ko siya sa isang gig, two days ago lang pero hindi kami nakapag-usap.

“Gusto ko sana siyang kausapin o payuhan na, ‘hinay-hinay lang specially sa pagmumura. Especially kasi pag band ka, feeling mo cool ‘yung nagmumura ka o dahil rakista ka kaya ganyan. Baka lang kailangan ng isang guidance ng isang rakista to rakista, so kung may time kami mag-usap, puwede ko siyang i-encourage na, ‘steady lang sa ano, tawanan mo lang.’ “May ibang paraan din naman not to disrespectful the (audience).

“Baka kasi na pahiya ‘yung sinabihan niya. Hindi mo rin kasi sure kung baka nagdyo-joke lang din siya (JK). Kung sa akin gawin ‘yun, tatawanan ko lang o kaya tatanungin ko kung gusto nilang kumanta ako (kanta ng ibang rakista),” sabi pa ng Showtime host.

Nagbigay pa ng halimbawa si Teddy ng minsang mag-perform sila sa UP Fair at wala silang set list kaya tinanong niya ang audience kung anong gustong ipakanta sa kanila.

“Pinakanta kami ng (themesong) ng Showtime, so kinanta namin. Tapos pinakanta kami ng Eat Bulaga, kumanta kami at hindi kami (nagalit o nagmura), may proper way to accept ‘yung mga ganu’n klase ng pang-aasar. Kaya para sa akin, hindi cool sa isang rakista ang nagmumura.

“Kailangan may respeto pa rin sa ‘yo ang mga tao and you cannot gain the respect of other people specially your listeners kung minumura mo sila or pinepeke mo lang sila,” ani Teddy.

Sabagay sa ilang taon na ng Rocksteddy band ay wala naman kaming nabalitaang nagkaroon sila ng iskandalo sa past shows nila.

At dahil napapanood si Teddy sa It’s Showtime at may talent ding magpatawa ay ginawa siyang bida ng writer ng programa ng ABS-CBN na si Alex Calleja nang bigyan siya ng chance na magdirek ng mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde.

Si direk Alex ang nagsulat ng “Papa Pogi” ni Teddy kasama sina Myrtle Sarroza, Donna Cariaga, Nonong, Lassy at Dawn Chang na mapapanood na sa Marso 20 mula sa Regal Films.

Read more...