Cristine maraming pinatunayan sa ‘Maria’, may laban kay Angel

CRISTINE REYES

SA grupo ng entertainment press na nanood ng pelikulang “Maria” ni Cristine Reyes sa UP Film Center ay iisa ang kanilang wish, sana’y tangkilikin ang first action movie ng aktres para matuloy ang pangarap ni direk Pedring Lopez na “Maria Saga.”

Bilib na bilib ang mga nakapanood kay Cristine dahil ang husay at liksi niyang kumilos sa mga fight scenes. Napakaraming pinatunayan ng aktres sa pelikula at sana raw ay magkaroon din sila ng pelikula ng The General’s Daughter lead actress na si Angel Locsin na isa ring mahusay na action star.

Oo nga ‘no, bossing Ervin, bukod kina Erich Gonzales (We Will Not Die Tonight) at Anne Curtis (BuyBust) ay pwede ring makasama ni Cristine sa isa pang action movie si Angel. Ang bongga siguro kung silang apat ang magsasama-sama.

Speaking of Angel, undefeated pa rin sa ratings game ang The General’s Daughter at FPJ’s Ang Probinsyano sa buong buwan ng Pebrero kaya ang saya ng atmosphere sa taping ng dalawang serye kahit na kung anu-anong isyu ang ikinakabit sa mga pangunahing bida.

Read more...