Meralco Bolts dinaig ang NorthPort Batang Pier sa double overtime

Laro Ngayon (Marso 9)
(Ynares Center)
4:30 p.m. Blackwater vs TNT
6:45 p.m. Alaska vs Magnolia

WINAKASAN ng Meralco Bolts ang kanilang losing streak matapos daigin ang NorthPort Batang Pier sa double overtime, 126-123, sa kanilang 2019 PBA Philippine Cup elimination round game Biyernes sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Kumamada si Chris Newsome ng 28 puntos at 12 rebound para pamunuan ang Bolts na umangat sa 3-5 kartada at pinalakas ang tsansang makasama sa walong koponan na uusad sa quarterfinal round.

Nag-ambag sina Baser Amer at Cliff Hodge ng tig-23 puntos para sa Meralco na may anim na manlalarong umiskor ng double figures.

Gumawa si Stanley Pringle ng 33 puntos para pangunahan ang NorthPort na bumagsak sa 2-4 karta.

Nagdagdag naman si Sean Anthony ng 31 puntos at 16 puntos para sa Batang Pier.

Read more...