NA-SHOCK ang isang newlywed couple nang biglang dumating sa kanilang wedding reception ang Pop Royalty na si Sarah Geronimo.
Hindi makapaniwala ang bride na si Kane Panghulan nang makita ang pagdating ni Sarah para kantahan sila ng kanyang groom.
Personal palang inimbita ni Maja Salvador si Sarah para sorpresahin ang kaibigan niyang bride.
“Hello, magandang gabi po. Ako po si Sarah,” ang simulang bati ng Kapamilya singer-actress. Kitang-kita sa video ang pagkagulat ng bagong kasal.
Ipinost ni Maja sa kanyang Instagram ang video ng pagdating at pagkanta ni Sarah sa wedding reception. Aniya, “priceless” ang nakita niyang reaksyon sa mukha ng kanyang mga kaibigan.
MOST READ
LATEST STORIES