TNT Boys natanggal na sa Battle Round ng The World’s Best; pinakalma ang nagalit na fans

KAHIT natanggal na sa next round ng The World’s Best, feeling blessed and grateful pa rin ang TNT Boys na sina Mackie Empuerto, Keifer Sanchez at Francis Concepcion.

Inamin ng tatlong bagets na nalungkot lang sila ng “konti” nang hindi na sila nakalusot sa battle rounds ng The World’s Best this week. Hinding-hindi raw nila malilimutan ang naging experience nila sa nasabing international talent show.

Sabi ni Mackie sa panayam ng ABS-CBN, “Sa mga patuloy pong sumusuporta sa amin, maraming salamat po. Na-appreciate po namin yun.”

Sey naman ni Francis, “Marami pong chances, sobrang nagpapasalamat po kami kasi sobrang bilib po sila sa mga Filipino. Sana magtuloy-tuloy pa po ang pag-support niyo sa amin. We will work hard for you po.”

Sa lahat naman ng kanilang supporters na na-bad trip sa pagkatanggal nila, ito ang mensahe ni Mackie, “Wag po kayong mag-alala kasi hindi pa po yun ang huli. Marami pa po kaming maipapakita sa inyo. Hindi lang po sa World’s Best kundi sa iba’t ibang show pa po.”

Na-thank you din siya kay Pops Fernandez na isa sa mga Wall of the World judges, “Thank you po Wall of the World po, isa na po dyan si Miss Pops po dahil binigyan niya po kami ng lakas po para bigyan po ng magandang performance po ang mga Filipino.”

Read more...