Dawn balik-Kapuso, dream come true na makatrabaho si Michael V: I’m a fan

DAWN ZULUETA AT MICHAEL V.

KASADO na ang second project sa pagbabalik ng GMA Films.

Naunang in-announce ng film production ng Kapuso Network ang first movie na kanilang ipo-produce this year na pagbibidahan nga ng komedyanteng si Super Tekla.

At ang ikalawang pelikula nga ay ang “Family History” kung saan bibida ang loveteam nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix. Ito rin ang directorial debut ni Michael V at ang pagbabalik-Kapuso ni Dawn Zulueta.

Ayon sa interview kay Dawn, matagal na niyang gustong makatrabaho si Bitoy (tawag kay Michael V.) dahil hanga siya sa kahenyohan ng TV host-comedian pagdating sa pagpapatawa. Saad pa niya, “I’m a fan! A silent fan.”

Ayon kina Bitoy at Dawn, kakaibang comedy-drama ang project na nakatakda nilang gawin.

Bukod kina Bianca, Miguel at Dawn, kasama rin sa cast sina Paolo Contis, Nonie Buencamino at marami pang iba. Hahatiin naman ng tambalang BiGuel ang kanilang oras sa shooting ng kanilang launching movie at sa taping ng bago nilang serye na Sahaya na malapit nang mapanood sa GMA.

Read more...