Sexy female celeb napagod na sa pagiging martir, iniwan ang asawang seloso, tamad

KUNG pagiging martyr ang pag-uusapan ay puwedeng idagdag ang pangalan ng isang maganda at seksing female personality sa listahan.

Napakatagal din niyang nagtiis hanggang sa isang umaga ay nagising na lang siya na sinasabi sa kanyang sarili—ayoko na, tama na!

Kailangan na niyang humiwalay sa kanyang karelasyon, kesehodang nagkaroon pa sila ng anak ay hindi ‘yun dahilan para magpatuloy ang kanyang kamartiran, tumalikod ang aktres sa akala niya’y may forever nilang pagmamahalan.

Kuwento ng isang source, “Paano naman siyang hindi magsasawa sa napaka-unfair na set-up? Meron ba namang babae na siyang nagtatrabaho para lang sila mabuhay ng guy at ng anak nila?

“Ang girl pa ang humahanap ng raket para sa karelasyon niya, dahil kung hindi, nganga siya!

Habambuhay na lang siyang magtatrabaho para buhayin ang mag-ama niya!

“Nakakaawa ang babaeng ‘yun, sobrang martyr! Puwede siyang barilin sa Luneta dahil ilang taon din niyang tiniis ang buhay na kasama ang napakatamad niyang karelasyon!” simulang chika ng aming impormante.

Ang nakakaloka pa ay sobrang seloso pala ang nakarelasyon niya, inuurirat nito ang kanyang nakaraan, kung anu-anong salita ang ipinakakain sa kanya.

“Nakakaloka ang lalaking ‘yun! E, ni hindi nga niya mapakain ang mag-ina niya, tapos, pakakainin pa niya ng kung anu-anong masasakit na salita ang girl?

“Maghanap muna kaya siya ng maipakakain sa girl bago siya magselos, di ba naman? Napaka-insecure nga ng guy, palibhasa, alam niyang marami siyang pagkukulang!

“Tama bang ang girl pa ang naghahanap ng raket para sa kanya? Ang laki-laki ng katawan niya, machong-macho siya, pero kain-tulog lang naman ang gusto niyang gawin?

“Tama bang ang girl pa ang nagrerekomenda sa kanya sa mga production para lang magkaroon siya ng trabaho? Dapat lang namang makipaghiwalay na sa kanya ang girl!

“Ang ganda-ganda nga naman ng buhay niya, sexy at maganda pa rin siya kahit nagkaanak na siya, sa totoo lang!

“Naku, pareho lang sila ng sister niya na walang suwerte sa lovelife!” pagtatapos ng aming source.
Bradly Guevarra (na nagdiwang ng kaarawan kahapon), at Tita Nene Ulanday, wala nang clue, kilalang-kilala n’yo kung sino ang bumibidang female personality sa kuwentong ito.

Read more...