Ipe hinangaan sa hindi pagpatol kay Kris: Yan ang tunay na lalaki

KRIS AQUINO AT PHILLIP SALVADOR

Sa mga kampanyang dinadaluhan ngayon ni dating SAP Bong Go ay wala na ang dating skit nila ni Phillip Salvador na naging malaking isyu dahil sa negatibong reaksiyon na inilabas ni Kris Aquino.

Wala nang skit, para na lang silang nagbi-videoke ngayon, nagduduweto sila na parang wala lang.

Sa mga hindi pa nakakaalam, ang pagkakaibigan nina Bong Go at Kuya Ipe ay hindi lang ngayon ipinanganak, mayor pa lang ng Davao City si Pangulong Rodrigo Duterte ay talagang malalim na ang kanilang samahan.

Kapag maluwag ang oras ng action star ay sa Davao siya nagpapalipas ng panahon, du’n niya ine-enjoy ang kanyang pahinga, ilang dekada na silang magkaibigan ni dating SAP Bong Go at hindi lang ngayong eleksiyon.

Maraming humanga kay Phillip Salvador sa hindi pagpatol sa mga isyung ibinato laban sa kanya ni Kris.

‘Yun daw ang tunay na lalaki, nananahimik na lang, kesa sa patulan ang isang sumisingasing na babae.

Minarkahan din si Kuya Ipe ng isang nakausap naming direktor, ang sabi nito, “Balikan n’yo ang kuwento ng lovelife ni Phillip. Kailan ba siya nagkuwento tungkol du’n?

“Marami na siyang pinagdaanan, pero never siyang nagsalita laban sa kahit sinong nakarelasyon niya,” komento ng direktor na mula nu’n hanggang ngayon ay walang nakikitang positibo kay Kris Aquino.

Read more...