Losing skid puputulin ng NorthPort Batang Pier, Meralco Bolts | Bandera

Losing skid puputulin ng NorthPort Batang Pier, Meralco Bolts

Melvin Sarangay - March 07, 2019 - 09:31 PM

Laro Ngayon (Marso 8)
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. NorthPort vs Meralco
7 p.m. San Miguel Beer vs NLEX
Team Standings: Phoenix (8-1); Rain or Shine (7-3); Alaska (3-2); TNT (4-3); San Miguel (4-3); Barangay Ginebra (3-3); Columbian (4-5); NorthPort (2-3); NLEX (2-4); Meralco (2-5); Blackwater (2-6); Magnolia (1-4)

ISA lamang sa pagitan ng North Port Batang Pier at Meralco Bolts ang magwawakas ang losing streak habang sasalubingin ng NLEX Road Warriors ang nagbabalik nitong head coach na si Yeng Guiao sa krusyal na paghaharap nila ng four-time defending champion San Miguel Beermen ngayong Biyernes sa pagpapatuloy ng 2019 PBA Philippine Cup elimination round sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Hangad ng Batang Pier at Bolts na tapusin ang kanilang tatlong sunod na pagkatalo sa kanilang alas-4:30 ng hapon na laro. Parehong nais din ng dalawang koponan na mapaganda ang kanilang kartada para umangat sa team standings at makasama sa walong koponan na uusad sa quarterfinal round.

Nakalasap ang Batang Pier ng kontrobersiyal 96-98 pagkatalo sa nangungunang Phoenix Pulse Fuel Masters sa kanilang huling laro habang ang Bolts ay pinadapa ng 2018 Governors Cup champion Magnolia Hotshots sa kanilang out-of-town games sa Cagayan De Oro City, 86-92.

Kasalukuyang nasa ikawalong puwesto ang North Port sa hawak na 2-3 karta habang ang Bolts ay nasa ika-10 puwesto sa tangang 2-5 record.

Kaya naman puwersado ang Bolts na maipanalo ang nalalabi nilang apat na laro habang asam ng Batang Pier na magwagi sa huling pitong laro para makaabot sa mangungunang apat na koponan na nasa itaas ng walong koponang uusad sa playoff round.

Magbabalik naman si Guiao, na manggagaling sa paghatid sa Team Pilipinas sa 2019 FIBA World Cup, sa pagtimon ng NLEX na makakasagupa ang San Miguel Beer.

Hawak ng Beermen ang 4-3 kartada matapos magtala ng mga panalo kontra Blackwater Elite at Hotshots.

Maliban kay Guiao, magbabalik aksyon din si NLEX center John Paul Erram matapos maglaro sa FIBA World Cup Asian qualifiers.

Magbabalik naman para sa Beermen sina June Mar Fajardo at Marcio Lassiter, na naging malaking tulong para sa Pilipinas sa mga panalo nito kontra Qatar at Kazakhstan sa huling window ng World Cup Asian qualifiers.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending