8 sasakyan inararo ng trak; 6 sugatan

ANIM katao ang nasugatan nang araruhin ng trak ang walong sasakyan sa Silang, Cavite, kaninang umaga.

Dinala ang anim, na kinabibilangan ng isang menor de edad, sa pagamutan sa Sta. Rosa City, Laguna, para malunasan, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police.

Naganap ang insidente sa bahagi ng Tagaytay-Sta. Rosa road na sakop ng Sitio Muzon, Brgy. Puting Kahoy, alas-10:30.

Minamaneho ni Junley Ramos ang trak (ACC-8219) sa pababang bahagi ng kalsada nang bigla umanong mawalan ng kontrol sa sasakyan.

Dahil dito ay nabundol ng trak ang Mistubishi L-300 van na nasa harap nito at naitulak ang huli sa likod ng isang Toyota Vios at Mistubishi Adventure.

Lumipat pa ang trak sa kabilang lane, kung saan nito nasalpok ang isa pang Vios, Mitsubishi Montero, at tatlong nakaparadang tricycle, bago rumampa sa isang tambakan.

Read more...