Sumigaw ng ‘I love you Darren’ sa Rakrakan 2019 pinagmumura ni JK, nag-dirty finger pa

DARREN ESDPANTO AT JK LABAJO

MARAMING sumaludo sa tapang ng young rock singer na si JK Labajo nang pagmumurahin niya with matching dirty finger pa ang isang taong nanood sa unang gabi ng “Rakrakan 2019: 2 Days of Love, Peace & Music” last weekend.

Pero kung may mga naastigan sa binatang singer, marami rin ang na-turn off sa kanyang ginawa. Masyado raw talagang pikon si JK kaya patol kung patol ang drama niya.

In fairness, talagang mainit ngayon ang dating The Voice Kids finalist dahil sa sikat na sikat niyang kanta na “Buwan” kaya nang kantahin niya ito sa “Rakrakan” ay nakisabay sa kanya ang audience.

Dito na nga narinig ni JK ang isang lalaki mula sa audience na sumisigaw ng, “I love you, Darren!” na ang tinutukoy ay ang nakabanggaan ng rock singer kamakailan na si Darren Espanto.

Nang matapos ang kanta ay nagsalita muli si JK at ipinakilala ang mga kasamahan niya sa banda, “Ay! Kami nga pala ang Juan Karlos. Ako nga pala si JK… Ito nga pala si put***ng i**a mo!

“Ako nga pala si JK. Tigilan mo na ‘yan. Ayokong marinig ‘yang pangalan na ‘yan! Nakakabuwisit! Ako nga pala si JK. Siya nga pala si Marcus. Siya nga pala si Clark. Yun nga pala si Gian.

“Ikaw yung put***ng i***ang sigaw nang sigaw, kanina ka pa Kayo nga palang mabait na audience, pwera ikaw, put***ng i**a mo.” At nag-dirty finger pa si JK.

Kumalat ang nasabing video sa Facebook at hati ang reaksyon ng mga nakapanood nito. Marami ang nagsabi na nagpakatotoo lang si JK dahil obviously ay gusto lang mang-asar ng nasabing lalaki.

Pero may mga nagpayo sa binata na sana’y hindi na lang niya ito pinansin dahil marami naman ang gumagawa ng ganu’n lalo na sa mga live shows. Pinatunayan lang daw ng binata na talagang wala siyang pasensiya at mahilig makipag-away.

Read more...