SA oras ng pangangailangan, kami sa GAB ay handa kayong tulungan.
Ganito ang panawagan ng Games and Amusements Board na nasa pamamahala ni Abraham Kahlil ‘‘Baham’’ Mitra.
Muli ay pinakita ni Mitra ang kanilang pagpapahalaga sa mga boksingerong propesyonal matapos na itayo ang GAB Boxers Relief Fund.
Sa isang pahayag, nilabas ng GAB ang mga kailangan upang makahingi ng ayuda.
- A written notice of sickness or injury or death may be given by any immediate member of the family in the boxers behalf within seven (7) working days from the date of the occurrence of contingency.
Kailangang nakapaloob dito ang mga sumusunod na detalye: Name and address of the boxer; Date and nature of sickness or injury; Place of confinement of the disabled boxer; Doctors medical findings or proof of disability/death certified by the attending physician; Name of the beneficiary and his/her relationship to the boxer or the legal representative or attorney-in-fact as evidenced by a notarized special power of attorney; Any other pertinent information relating as the Board may require.
Maaring tumawag sa GAB Boxing Division 810-51-77 para sa iba pang mga katanungan.
Mabuhay ang GAB!
Lodi si Ernie Gawilan
Makulay at matagumpay ang 2019 San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association Awards na ginanap sa Manila Hotel noong Pebrero 26.
Dumating ang mga naglalakihang pangalan sa Pinoy sporting scene sa makabuluhang okasyon na ginawa ng mga opisyal at miyembro ng pinakamatandang organisasyon ng mga mamamahayag sa bansa.
Pinamumunuan ni Doods Catacutan ng Spin.ph ang PSA ngunit aminado ang pangulo na naging patok ang Gabi ng Parangal dahil sa teamwork ng mga miyembro at sa malaking ayuda mula sa mga dating PSA presidents na sina Teddyvic Melendres ng Philippine Daily Inquirer, Aldrin Cardona ng Tribune, Jimmy Cantor ng Malaya, Jun Lomibao ng Business Mirror at Reira Mallari ng Manila Standard Today. Siyempre pa, nandiyan ang mga walang kupas na isportsrayter na sina Jun Engracia ng PDI, awardee Lito Tacujan ng Star at ang napakasipag na si Joe Antonio ng People’s Journal.
Ngunit nais kong bigyan ng special mention ang para-swimmer na si Ernie Gawilan na binigyan ng major award ng PSA dahil sa kanyang mga ginintuang langoy sa Asian Paralympics at iba’t ibang internasyonal na paligsahan. Lumahok din si Ernie sa 2016 Rio de Janiero Paralympics.
Putol ang dalawang paa ni Ernie ngunit hindi ito naging hadlang upang makapagbigay siya ng karangalan sa bansa.
Ipinakita ni Ernie ang tatag ng loob upang malusutan ang mga pagsubok sa buhay. Sa totoo lang, hindi lang napantayan kundi nahigitan pa ni Ernie ang mga naabot ng mga taong walang kapansanan.
Pinarangalan din ng PSA si Sander Severino na pinagbidahan ang mga tagumpay ng bansa sa chess sa Asian Para Games sa Indonesia. May apat na ginto si Severino.
Kumpleto rekado ang PSA Awards na suportado rin ng Philippine Sports Commission, Pagcor, MILO at iba pang mga pribadong korporasyon.
Athletes of the Year sina Hidilyn Diaz, Margie Didal, Yuka Saso, Bianca Pagdanganan at Lois Go, samantalang Presidential Awardee naman ang history makers sa UAAP women’s basketball na National University Lady Bulldogs.
Pinagkaguluhan ang batang seven-footer na si Kai Sotto na napiling Mr. Fan Favorite Manok ng Bayan awardee, samantalang walang dudang paborito rin ng mga bisita at miron, kabilang ang mga waiter at waitresses ng Manila Hotel, si Mr. Basketball June Mar Fajardo ng San Miguel.
Umani rin ng paghanga si Mixed Martial Arts fighter Brandon Vera na palagiang may nakahandang ngiti para sa lahat at ang mga pambato ng Team Lakay na sina Eduard Folayang, Kevin Belingon, Geje Eustaquio at Joshua Pacio.
Natuwa rin ako sa pagbibigay pugay ng asosasyon kina Bong Coo at Paking Rivas na naging bahagi na ng kasaysayan at nagbigay saya rin ang mga pandaigdigang kampeon ng boksing na sina Donnie Nietes at Jerwin Ancajas. Nakatutuwa ring malaman na pinahalagahan ng PSA ang ‘‘future’’ ng Pinoy sports na sina Marc Dula, Alexandra Eala, Micaela Mojdeh, Czerrine Ramos at Jessel Lumapas.
Bilang pagpapakita ng suporta ay dumalo rin sa okasyon ang mga kasapi at opisyal ng Tabloids Organization in the Philippines (TOPS) na may Usapang Sports tuwing Huwebes 10:30 a.m. sa National Press Club sa Intramuros, Maynila.
Ang mga panauhin sa Usapang Sports bukas ay sina National University Bullpups coach Goldwin Monteverde, Youth Football League president Mike Atayde, sina Laurence Canavan at Burn Soriano ng Cage Gladiators at ang kauna-unahang chess Grand Master ng Asya na si Eugene Torre.