Bea minulto sa shooting ng ‘Eerie’, Mikhail Red pinaglaruan


“FEARLESS” ang paglalarawan ni Ms. Charo Santos sa direktor ng bago niyang horror movie na “Eerie”, ang batambatang filmmaker na si Mikhail Red.

Sa pananaw ng isa sa bida ng pelikula, “They want to get out of their comfort zone. They’re not afraid to experiment, and to try new things. Actually, these are exciting times for cinema, e.

“Di ba? Or for content, for that matter. Because iba-iba na’ng platforms, you know. And there are no more barriers. So, I think the challenge for the filmmakers now is to come up with compelling stories,” pahayag pa ni Ms. Charo.

Dagdag pa niya, “I mean, this is the opportunity for them to really think of what they want to say, how to engage their audience, ‘no? Nasa kanila nang mga kamay! Na magawa nila lahat ng kanilang pinapangarap. So, the audience now is open to a lot more different ways of telling a story.”

Komento naman ni direk Mikhail, “Iyon nga, interesting nga na they say cinema is dying because of all these platforms.

“Pero yun nga ang challenge sa amin, sa mga filmmaker. Ngayon, napo-force kami to disrupt the system, di ba? To go wide. Kaya ngayon, we’re trying to export films, di ba? To find a larger audience. To make different genres. And I think, yun ang maganda rito. Napo-force kami to adapt. And this is the start.

“Itong ‘Eerie’ pa nga is like the first film of a six-picture deal with an international company, Cre8 Productions. So, imagine with the partnership of international companies and Star Cinema, and the Star Cinema roster, and the actors kung saan pamilyar ang mass audience dito.

“Pero adding that, you know, mga international genre projects, may make-create tayong new kind of cinema. And that forces us to be on our toes, and basically challenge the medium, make new stories, make more interesting stories, try different structures.

“Even like, long form. Di ba, may mga mini-series na. So, it’s actually exciting times para sa akin, even though may challenges, may konting slump. Pero mapo-force kami to disrupt the system. At least, hindi magiging stale, di ba? Hindi na paulit-ulit,” lahad pa ng direktor.

Anyway, “Eerie” talaga ang pelikula habang sinu-shoot ito nina Bea Alonzo at Ms. Charo dahil sa mga hindi maipaliwanag na kaganapan sa location.

Kuwento ni Bea, “Yung nakita n’yo sa trailer na mga scenes na may flashlights. Sa totoong buhay kasi naglagay lang sila ng ibang ilaw sa flashlight wala ng ibang source of light sa mga eksena.

“So imagine, hawak ko ‘yung flashlight sobrang pitch black ‘yung daraanan ko, tapos ‘yung eksena kailangang bubuksan ko ‘yung pinto tapos may hahanapin ako, e, takot na takot ako kasi baka bago pa ako makarating sa pinto na ‘yun na nakasara, bago pa ako nakarating bilang nagbukas ‘yung pinto on its own, so talagang hindi ko talaga kinaya, ayoko nang gawin,” kuwento ni Bea.

Wala namang ibinahagi si Ms. Charo sa set pero sabi niya ay eerie talaga ang pelikula kaya siguradong magugustuhan ito ng mahihilig sa horror movie.

Ito naman ang na-experience ni direk Mikhail, “Eerie talaga nangyari on set. Very creepy naman talaga ‘yung location namin na seminary. Doon kami natutulog ilang days na rin. Rural na lugar, isolated at kami lang ang tao.

“Gabi na ‘to (eksena), may shot na roon na very precise na kailangan may timing na ipu-push ‘yung dolly and then mari-reveal ‘yung isang character tapos pumasok siya sa frame.

“Gabi na paulit-ulit hindi namin mataymingan, papasok ‘yung kamera, ‘yung aktor nami-miss ‘yung mark. So ang ginagawa namin, cue pumapalakpak ako, 1, 2 and 3 clap tapos papasok ‘yung actor, hindi namin makuha parang take 9 or 10 na at midnight na.

“Pagod na kaming lahat, tahimik na lahat wala na kaming energy kaya sabi ko, sige, let’s do it one more time, roll! Siyempre pagod na ako, na-miss ko ‘yung mark, hindi ako nakapag-clap pag roll ng camera biglang may nag-clap on his own, pasok ‘yung aktor perfect take sabi ng lahat. Pumalakpak lahat, pati ‘yung AD (assistant director) sabi niya, ‘perfect take, good take.’

“Tapos sabi ko, ‘guys hindi ako ‘yung nag-cue nu’n,’ tapos lahat kinilabutan. Kaya naging joke na lang namin na, ‘na-frustrate na ‘yung mga multo dito sila na ‘yung gumawa para magawa natin ‘yung shot,” aniya pa.

Isinali sa 2018 Metro Manila Film Festival ang “Eerie” pero hindi ito nakapasok kaya marami ang nagtaka kung bakit.

Nagkabiruan na baka raw sa sobrang takot ay hindi na tinapos ng mga huradong panoorin ang pelikula kaya ang ending hindi napasama sa Magic 8.

Ang “Eerie” ay joint venture ng Star Cinema at Cre8 (Singapore), Mediaeast at mapapanood na sa Marso 27. Kasama rin sa pelikula sina Jake Cuenca, Mary Joy Apostol at Maxene Magalona-Mananquil.

Read more...