BUKOD sa madadramang eksena bagong afternoon series ng GMA 7 na Dragon Lady, matindi rin ang haharapin niyang challenge sa pagsasalita ng Mandarin.
Gagampanan kasi ni Tom sa serye ang karakter ni Michael Chan, anak ng mayamang businessman na mai-involve sa karakter ni Janine Gutierrez bilang si Celestina Sanchez, ang Dragon Lady.
“Iyon yung mga Mandarin lines na be able to say it with conviction and as naturally as I can while still maintaining kung ano yung emosyon na sinasabi.
“Kasi usually pag binabasa namin sa script nakalagay lang du’n kung ano yung sasabihin ko, tapos sasabihin lang in Mandarin.
“Pero Tagalog pa rin yung binabasa ko. So parang alam ko yung thought in Tagalog. So iyon yung challenge ko na habang sinasabi, habang ginagawa ko siya ko siya, na hindi ako ma-conscious ng sobra dun sa syntax.
“Kaya ngayon tina-try ko talagang aralin yung tunog, yung intonation kasi hirap na hirap akong kunin siya. Para pag gagawin ko siya hindi ako nagpo-focus du’n sa kung paanong sabihin kundi kung ano yung sinasabi ko,” paliwanag ni Tom.
Samantala, inamin ni Janine sa nakaraang presscon ng Dragon Lady na nasa bucket list niya ang makatrabaho si Tom sa isang teleserye dahil naging super fan din siya ng Kapuso hit series na My Husband’s Lover.
“Ako, hindi talaga ako naniniwala pero may nabasa akong item about it. It’s really, really so flattering because even I look up to her as an actress as well. Na nu’ng nagkatrabaho kami for Magpakailanman sobrang, going into it, hindi ko nasabi sa kanya ‘to, pero kinakabahan ako.
“I was like nervous kasi hindi pa nga kami nagkakatrabaho nu’n, hindi ko alam kung paano yung magiging working condition, kung magiging seryoso ba o baka mapuno ba siya na makulit akong tao.
“Pero nu’ng nag-start na kaming mag-taping bukod sa napakagaling niyang artista at ang daling makipag-interact at maki-bounce ng emosyon sa kanya sa set.
“Sobrang kalog niya na tao, off-cam din na, sobrang naging madali yung naging experience ko sa trabaho,” pahayag ng Kapuso hunk.
Dalawang araw lang silang nag-taping sa Magpakailanman para sa life story nina Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao na idinirek ni Marvin Agustin last year. Kaya naman doble ang excitement ng binata sa pagsasama nila ni Janine sa Dragon Lady.
“Looking forward kasi hindi pa kami nagkakasama sa mga eksena, e. So far magkahiwalay pa yung character namin sa umpisa. Kaya I’m really looking forward na yun nga, dire-diretso na everyday taping.”
“And Janine definitely is a collaborative person. Yung alam mong dahil humahanga sila sa ibang mga katrabaho nila meaning nagiging fan sila ng mga show, ng mga proyekto, alam mong handa sila at game silang makipag-collaborate bilang artists.
“Hindi yung madamot na type na tao na kailangan sila lang ang bida, kailangan sila lang yung ganun. So alam mong team player siya,” sey pa ng aktor.
Nagsimula na ang Dragon Lady last Monday sa GMA Afternoon Prime after Eat Bulaga. Kasama rin dito sina Joyce Ching, Diana Zubiri, James Blanco, Maricar de Mesa at Edgar Allan Guzman, sa direksyon ni Paul Sta. Ana.