Maangas na young actor tuloy ang paninira sa sikat na male celebrity, grabe ang inggit


MARAMING nagpapatunay na matindi ang nararamdamang insekuridad ng isang young actor sa isang sikat na male personality na walang kaangas-angas sa katawan.

Baligtad ang kanilang imahe. ‘Yung sikat na lalaking personalidad na marami nang napapatunayan ay walang angas, samantalang ‘yung insecure na young actor ay wala pa namang maipagmamalaki, pero may kayabangan na.

Minsan nang na-bash nang husto ang young actor dahil sa talikuran niyang pambabastos sa sikat na male personality, pero wala pa rin pala siyang kadala-dala, sinisiraan pa rin niya ito sa kahit sinong nakakausap niya.

Kuwento ng aming source, “Sobrang insecure ng mokong na ‘yun! Wala namang masamang ginagawa sa kanya si ____(pangalan ng sikat na male personality), pero talagang naghahanap pa rin siya ng butas para masiraan ‘yung taong kinaiinsekyuran niya!

“Kapatid ng pagiging insecure ang inggit, di ba naman? Kitang-kita tuloy ang matinding inggit niya sa napakagandang career nu’ng isa! Kundi siya naiinggit, e, bakit siya salita nang salita laban sa kasamahan niya nang patalikod?

“Kung may galit man siya du’n sa tao, nagkikita naman sila dahil iisa lang ang bakuran nila, pero bakit wala naman siyang kibo? Puro patalikod lang ang kaya niyang laban!” inis na inis na kuwento ng chikadora naming source.

Gumawa na ng paraan ang young actor para siya makilala pero hindi kinagat ng publiko ang kanyang mga kadramahan. Waley!

“Di ba? Nagdrama na siyang close sa isang sikat na female personality para lang siya mapag-usapan, pero anyare? Bash kung bash ang inabot niya, kasi nga, alam ng mga tao sa paligid niya na gagamitin lang niya ang girl!

“Trulili, ipinaglihi nga sa manggang hinog na hinog ang young actor na kiyemeng meron nang lovelife ngayon. Mabuti naman, para tigilan na niya sa kapapanira ang sikat na male personality na wala namang ginagawang masama sa kanya.

“Badly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kilalang-kilala n’yo kung sino ang sikat na male personality na mabait at tahimik lang, pero ang maangas kayang young actor, e, kilala n’yo rin?” pagtatapos ng aming impormante.

Read more...