Mga bida sa Coffee Prince at Kim Sam Soon magtatambal sa ‘War Of Prosecutors’


POSIBLENG magsama ang lead actor sa blockbuster Korean drama na Coffee Prince na si Lee Sun Gyun at ang isa sa cast ng isa pang hit drama na My Name is Kim Sam Soon na si Ryeo Won sa upcoming series na War Of Prosecutors.

Sinabi ng JTBC na patuloy ang pakikipag-usap sa kampo nina Sun Gyun at Ryeo Won para sa nasabing peoject.

Base ang War Of Prosecutors sa isang essay collection ni Kim Woong, kung saan nakatala rito ang araw-araw na buhay ng mga prosecutor.

Bukod sa Coffee Prince (2007), nakilala rin nang husto si Sun Gyun sa medical drama na White Tower (2007) na sinundan ng Pasta (2010), Golden Time (2012), All About My Wife (2012), A Hard Day (2014) at ang critically acclaimed na My Mister (2018) kasama si IU.

Nagsimula si Ryeo Won bilang singer at miyembro ng defunct girl group na Chakra. Una siyang nakilala sa My Name Is Kim Sam Soon. Sumikat din siya sa Two Faces of My Girlfriend, Castaway on the Moon, at History of a Salaryman.

Nakatakdang mapanood ang War Of Prosecutors sa Nobyembre.

Read more...