KOREAN word of the week: “Sal” o “gogi” – Sa Ingles ito ay meat at sa atin naman ay karne.
q q q
Magsasama sa upcoming Korean drama na Big Issue ang aktres na si Han Ye Seul at magaling na aktor na si Joo Jin Mo.
Kwento ang Big Issue ng pinagdaraanang laban ng isang paparazzi. Iikot ang istorya nito sa isang walang permanenteng bahay at alcoholic na nag-transform bilang isang magaling na photojournalist at isang walang pusong editor-in-chief na ginagamit ang kanyang koneksyon para ibuking ang mga celebrity scandal.
Gaganap si Ye Seul bilang editor-in-chief na si Ji Soo Hyun. Notoryus dito ang “Sunday Report” sa mga celebrity scandal. Kinumbinsi niya rito si Han Suk Joo (Jin Mo) para maging bahagi ng paparazzi world.
Nakilala nang husto si Jin Mo sa kanyang pagganap sa Empress Ki noong 2013. Nag-debut naman si Ye Seul sa acting sa sitcom na Nonstop (2003) at mula noon naging lead star na siya. Ilan sa mga nagawa niyang serye ay ang Couple or Trouble (2006), Tazza (2008) at Birth of a Beauty (2014).
Nakatakdang magsimula ang Big Issue sa Marso 6.