Rochelle, Arthur ipinasilip sa socmed si Baby Shiloh Jayne


FOR the first time, ipinost na ng mag-asawang Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap ang litrato ng kanilang panganay na anak na si Baby Shiloh Jayne.

Sa kani-kanilang Instagram accounts, ipinost nina Arthur at Rochelle ang first batch of photos ng sanggol.

Sa IG post ng dating Sexbomb Dancer, ginamit pa niya ang ilang linya sa Stevie Wonder hit song na “Isn’t She Lovely.”

Sa post naman ni Arthur, may caption ang lirato ni Baby Shiloh na hango sa isang verse mula sa Book of 1 Samuel, “I prayed for this child, and the Lord has granted me what I asked of him.”

Ipinanganak ni Rochelle ang panganay nila ni Arthur last Sunday.

In fairness, pinusuan ito ng libu-libong netizens kasabay ng pagbati sa mga bagong parents. Kitang-kita rin daw nila kung gaano karesponsable at ka-hands on daddy si Arthur sa first baby nila ni Rochelle.

Read more...