NAGPASALAMAT si Nicko Falcis kay ‘Nay Cristy Fermin dahil sa magandang sinabi nito sa kanyang radio program na “Cristy Ferminute” sa Radyo Singko 92.3.
‘Nay Cristy discussed the controversial joke scenario at the expense of Phillip Salvador. She was obviously surprised that Kris Something milked the issue dry by dragging her son Josh into the fray.
Wala nga namang kinalaman si Josh at hindi siya part ng joke, pero kung idamay siya ni Kris ay ganoon na lang.
“Do not play the victim to the circumstances you created. Self-pity is the easiest way to create unilateral misery. While kids are innocent, she definitely is not.
“Thank you to all concerned netizens who keep sending us important information to remain vigilant and steadfast about her vile manipulations. Thank you, Cristy Fermin for the truth. Let’s end the #Krisis.”
‘Yan ang mensahe ni Nicko sa kanyang IG account.
q q q
Talagang tumodo ang ABS-CBN para sa “Halalan 2019” dahil kung ang ibang network ay isang beses lang nagpa-debate, aba, apat na beses ang Kapamilya network!
Kaya safe to say na ito rin ang pinakamaraming itinampok na kandidato na umabot na sa 36 pagkatapos ng back-to-back na “Harapan 2019: The ABS-CBN Senatorial Town Hall Debate” held last Sunday, March 3 kung saan 19 pang kandidato ang matapang na humarap sa mga tanong ng taumbayan.
Siguradong tuwang-tuwang ang COMELEC dahil sa laki ng exposure na ibinigay ng ABS-CBN sa mga opisyal na kandidato sa pagka-senador, lalo na ‘yung wala namang malaking makinarya o pondo para magpalabas ng mga political ad o magpaskil ng mga dambuhalang billboard!
Mukhang hindi naman nasayang ang effort ng ABS-CBN, headed by anchor Alvin Elchico, Karen Davila at ang humalili sa kanya noong Linggo na si Doris Bigornia, dahil maski wala ang mga matunog na kandidato ay pinanood pa rin ang mga debate na live ipinalabas sa DZMM TeleRadyo, ANC, at sa mga digital platform ng ABS-CBN.
Tulad ng mga naunang debate, ipinalabas din sa Sunday’s Best ‘yung 7 p.m. na debate, samantalang sa Marso 17 naman ipapakita sa ABS-CBN ang kabuuan ng debate noong tanghali.
This is what voters should watch para maging basehan ng kanilang boto at hindi ang song and dance at mga gimik na nakagawian na sa mga pangangampanya ng mga kandidato. Makikita mo kasi sa pagsagot nila ang kahandaan nilang magsilbi sa bayan, pati ang kanilang mga paninindigan!
Tulad sa debate noong Linggo, isa sa mga tinanong sa 11 kalahok na kandidato ang balak nila para sa kabataan, at makikita mo kung sino ang may konkretong plataporma at kung sino ang hindi pa ito masyado napag-isipan.
Sa debate naman ng gabi, isang jeepney driver ang personal na nakapagtanong sa walong kandidato kung ano pa ang magagawa para mapababa ang presyo ng krudo, at narinig niya ang iba’t ibang panukala.
May nangakong aamendahan ang TRAIN law, may gustong isulong ang biodiesel, mayroon ding nagsabing dapat ibalik sa publiko ang pagmamay-ari ng mga industriyang naghahatid ng basic needs, at mayroon ding nagpahayag na dapat may sapat na imbak na krudo ang bansa.
That’s how discussions should be held, hindi pokus sa popularidad o personalidad ng mga kumakandidato, kundi sa kanilang kaalaman at kwalipikasyon. Kaya salamat talaga sa mga pa-debate ng mga network, lalo na sa ABS-CBN na nakaapat pa ngayong taon!