Jennica dumanas ng threatened abortion: Ang lakas kong uminom, magyosi, buntis na pala ako
HUMANGA ang mga mommy sa katapangan ng anak ni Jean Garcia na si Jennica Garcia matapos aminin ang pinagdaanang “threatened abortion” noong ipinagbubuntis ang una niyang anak.
Ayon kay Jennica, hindi niya alam noon na buntis na siya sa panganay na anak nila ni Alwyn Uytingco kaya tuluy-tuloy lang ang pag-inom niya ng alak at malakas din daw siyang magyosi noong panahong yun.
Naikuwento niya ang tungkol dito sa nakaraang guesting niya sa Magadang Buhay, “When I was pregnant with Mori, I was heavily smoking and drinking. Eh, ang iniinom ko pa naman (noon), hindi ako ma-beer, mga hard pa ang mga gusto kong iniinom.”
“‘Nu’ng ikinasal kami ni Alwyn ng February, October nalaman ko na pregnant ako, hindi ko alam. So threatened abortion ako nu’ng buntis ako kay Mori,” aniya.
“So, siyempre ang konsensya natin, ayan two months na wala pang heartbeat ‘yung anak ko, wala pa siyang heart to be exact na dapat at two months may heart na ‘yung baby mo,” dagdag pa ng misis ni Alwyn.
Iniyakan daw nang bonggang-bongga ni Jennica ang eksenang yun sa buhay niya kaya talagang pinag-aralan niya ang kanyang kundisyon at pumili rin ng mahusay doktor na mag-aalaga sa baby niya.
Ikinasal sina Alwyn at Jennica noong 2014 at dalawa na ang anak nila ngayon, sina Athena Mori at Alessi.
At in fairness, going strong pa rin ang relasyon nila sa kabila ng mga challenges na hinarap nila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.