Luis hindi pa pwedeng pakasalan si Jessy dahil sa pera

PERA ang dahilan kung bakit nadi-delay ang pagpapakasal nina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Inamin ni Luis na komportable ang buhay niya ngayon pero dinenay niya na sobra-sobra na ang kayamanan niya ngayon.

“Akala n’yo lang mayaman ako, akala n’yo lang,” natatawang sabi ni Luis sa panayam ng ABS-CBN.

“You know, I’m very blessed, pero sabi ko nga, if people understand the industry, I’m not saying na I’m not well compensated (bilang TV host), pero iba ang bayad sa isang leading man kumpara sa TV host sa maniwala kayo o hindi,” seryosong sabi ng binata.

Dugtong pa niya, “Hindi ako yung iniisip n’yo na parang, di ba, yung sobrang yaman. Yeah, I have a few, pero hindi siya yung…we have this notion kasi na kapag host ka, eh, sa yo yung (malaking talent fee). Iba talaga ang TF ng the hottest leading man na kinakikiligan sa isang simpleng host.

“I’m just saying na baka we have this notion kasi na, kasi for example, naririnig ko kung magkano yung TF niyan, pero sa inyo yan, ito yung sa akin,” ani Luis.

Dito na nga inamin ni Luis na pera ang major reason kung bakit hindi pa sila nagpapakasal ni Jessy.

“Yun ang number one actually, nag-iipon pa talaga ako. Kasi di ba, madaling magpakasal, sobrang dali pero pag nilatag mo na at may pamilya na kayo especially ngayon na mahirap ang buhay, medyo nakakatakot.

“Okay fine, maganda ang buhay natin ng mga ilang taon, pero paano kung may mangyari, di ba? I want to be able to provide a life na I believe I and my family would deserve,” aniya pa.

Read more...