Kisses: Nasisira ang friendship dahil sa pressure | Bandera

Kisses: Nasisira ang friendship dahil sa pressure

Alex Brosas - March 04, 2019 - 12:10 AM

KISSES DELAVIN AT MAYMAY ENTRATA

WHETHER imagine or not, pinagsasabong sina Maymay Entrata at Kisses Delavin.

More so now na magkasama sila sa Ang Alamat ng Ano na mapapanood sa iWant TV where Maymay plays Nura against Kisses’ Velma.

When asked about their rivalry, ito ang sagot ni Kisses, “As for me naman, ‘yung society natin ay hindi maiwasan na pinag-aaway ‘yung mga babae. Hindi talaga maiwasan ‘yun kasi the more rivalry the better.

“Pero ang masasabi ko lang ay it is so unfair sa mga girls kasi parang napi-pressure sila lagi, ‘yung friendship ay parating nasisira. Pero ang advice ko lang sa lahat ng mga babae sa showbiz, kapag kino-compare ka sa iba ay wag kang mag-alala. Baka ‘yon ay ikino-compare ka sa iba para mahawahan ka. ‘Wag kang magpaapekto.”

“‘Yung showbiz kasi temporary lang naman, eh. In five years ay iba na naman ang sikat, iba na naman ‘yung mga artista. So what matters most is the friendship to stay,” dagdag pa niya.

Fun ang shooting ng episode nina Maymay at Kisses dahil light lang ang kanilang mga roles.

“More on script-based ‘yung acting namin, kung ano ang ni-require sa script. Pero na-research din po ako ng acting ni Vilma Santos. Ang galing niya pala.

“One day lang ang shoot. So lahat ng eksena ay one day lang sinyut. Masaya kasi ibang klase din kapag ka-vibes mo ‘yung kasama mo sa taping. Tawa lang kami nang tawa kasi kasama naming si Ate Negi at Ate Lassie.

“Sabi ni direk, ‘just play with your role kasi comedy siya’. Parating mas gusto ni direk na fun lang, hindi seryoso pero may hugot pa rin at the same time.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending