Modern mass commuter system, kabataan ang makikinabang

By Jake Maderazo March 04,2019
share this

Modern mass commuter system, kabataan ang makikinabang

By Jake Maderazo March 04,2019
share this

BAGO matapos ang taong ito, bubuksan na ang Skyway3, isang elevated expressway galing ng NLEX na dadaan ng Araneta Ave sa Quezon City, Nagtahan at tuluy- tuloy sa SLEX.
Ito ay pangatlong ruta ng NLEX-SLEX na do-minado ng ma-traffic ngayong C5 at EDSA.
Pagsapit ng 2021, magiging apat na ito dahil itatayo naman ang North-South Connector Road mula NLEX pero dadaan sa C3, tatawid ng Maynila sa ibabaw ng riles ng tren, papuntang PUP at deretso na sa SLEX.
Pang-limang ruta rin ang NLEX-Harbor link-Radial Road 10-Roxas blvd. na ngayon ay 45 minutes na lang ang biyahe mula sa dating dalawang oras.

Kayat sa halip na dumaan sa EDSA o C5 ang mga sasakyan, meron na tayong tatlong alternatibo. Ibig sabihin, malaki ang mababawasan sa traffic sa dalawang kalsada.
Tungkol naman sa mass transport system, malaking ginhawa sa mga commuters ang ginagawa ngayong Mega Manila Subway o MRT 5, ang underground railway ga-ling ng Quirino Avenue dadaan sa Unified Grand Central Station sa North Avenue, Anonas, Ortigas, Makati, Global City, FTI, Taguig at tuloy-tuloy sa NAIA.
Kakabit ito sa MRT7 na biyaheng SM City at San Jose Del Monte, Bulacan, LRT2 na biyaheng Pier 1, Tondo-Santolan Pasig at LRT1 na biyaheng Monumento-Cavite.
Kokonekta rin ang mga Mega-subway sa itatayong Makati Intra-city subway ni Mayor Abby Binay na iikot sa Edsa Ayala, Buendia, Kalayaan, Guadalupe, Rockwell at Circuit.
Ang LRT 2 ay magkakaroon ng extension at magiging biyaheng Pier 4 sa North harbor hangang sa Masinag, Antipolo, samantalang ang LRT1 extension ay gagawin na rin hanggang Bacoor, Cavite na plano ring idaan malapit sa NAIA. Lahat ito’y matatapos sa 2021.
Ibig sabihin, kahit wala kang kotse, pupunta ka lang sa “Unified Grand Central station” sa SM North/Trinoma, mararating mo ang maraming lugar gamit ang subway, MRT at LRT tulad ng Novaliches-Caloocan, San Jose Del Monte, Bulacan, Bacoor, Cavite, Masinag, Antipolo, Pier 4, North Harbor, Anonas,Cubao, Bonifacio Global City, FTI at NAIA.
Mayroon pa ngang planong LRT-4 na ang ruta naman ay mula Taytay City hanggang Magsaysay blvd. sa Maynila. Ito’y dadaan ng Maynila, Mandaluyong, Pasig, Cainta ,at Taytay, pero ito’y sa susunod nang administrasyon.
Magandang balita rin ang improvement ng a-ting mga riles ng tren.
Sinimulan nang ga-win ang unang yugto ng North South Commuter railway, mula Tutuban hanggang Malolos na merong 10 stations.
Sa kabuuan, ang NSCR na manggagaling ng Clark International airport hanggang sa Calamba, Laguna ay “fully elevated, dual track, electrified at high capa-city commuter railway system” na merong 37 stations sa kabuuang 147 kilometers nito.
Limampu’t walong bagong “eight car train sets” ang bibiyahe na kayang magsakay ng 340,000 passengers bawat araw. Lahat ito’y sisimulan ang konstruksyon ngayong 2019.
Para sa mga commuter, malaking bagay ito lalo na sa mga nakatira sa labas ng Metro Manila.
Pwede silang magpalipat-lipat ng MRT LRT, Mega Subway at PNR para marating ang kanilang destinasyon nang hindi gumagamit ng kotse. Kayat talagang napakaswerte nitong mga millennials at generation-X na mga kabataan at ng susunod na he-nerasyon. Sila ang maki-kinabang sa mass transport system na matagal nang naplano pero nga-yon pa lang magkakatotoo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending