'Pinky finger' ni Sylvia napuruhan sa taping habang nag-aaway sina JM at Kiko | Bandera

‘Pinky finger’ ni Sylvia napuruhan sa taping habang nag-aaway sina JM at Kiko

Reggee Bonoan - March 04, 2019 - 12:25 AM

Sylvia Sanchez

MADALING-ARAW ng Biyernes ay nag-post si Ogie Diaz ng, “Nasaktan, pero Kahanga-hanga.”

Sinundan pa ito ng: “NASAKTAN si Sylvia Sanchez sa eksenang ito. Hindi niya alam kung ano ang napalo o nahataw niya nang sobrang lakas para magka-injury siya sa pinky finger mga 11.45pm nu’ng Friday.

“KAHANGA-HANGA, dahil despite the injury, narinig ko siyang, “Masakit, pero tuloy na natin to, tapusin na natin ang eksena. Kakayanin ko.”

“Ayun, nairaos ni Ibyang ang eksena effectively and successfully with the cast, kaya habang nanonood ako, sa loob-loob ko, ‘Bongga ang lola mo, professional at ayaw maging cause of delay!’

“After the scene, saka pa lang ngumiwi si Ibyang sa sakit habang inaasikaso siya ng medic. #Professional #theshowmustgoon#buhayArtista#AkalaNgIbaMadaliLang.”

Tanghali na ng Biyernes namin natanong si Sylvia habang nasa Nasipit, Agusan del Norte kung saan kasama niyang kumakain ang kanyang mama Rosyline Campo na nagdiwang ng kaarawan nitong Linggo.

Kuwento ng aktres, “’Yung pinakamaliit na daliri ko sa kanan, pinky ring ko na-sprain kasi naihampas ko kasi nag-aaway sa eksena ang mga anak kong sina JM (de Guzman) at Kiko (Estrada) inawat ko, e, pag-awat ko, tinamaan ‘yung pinakamaliit na daliri ko. Tinapos ko ‘yung eksena.

“Okay naman kasi may medic naman kami sa set, namaga kaagad, nilagyan ng splint para bumalik sa dati. Kasi namaga kaagad. ‘Yung kirot kasi umakyat sa balikat ko kaya uminda na ako.”

Paano ito nalaman ni Ogie at nakunan pa ng litrato? “Dumalaw kasi si Ogie sa alaga niyang si Kid (Yambao), isa siya sa anak ko sa Project Kapalaran, siya si Apple, kasama ko nga siyang umawat sa away nina JM (as Chico) at Kiko (Berries),” paliwanag pa ni Ibyang.

Pawang prutas ang mga pangalan ng mga anak nina Sylvia at Joey Marquez sa nasabing serye mula sa RSB unit na hindi pa alam kung kailan eere at kung anong programa ang papalitan.

Samantala, ang short film niyang “The Imminent Immanent” na idinirek ni Carlo Francisco Manatad ay kasama sa 43rd Hongkong International Film Festival at ipalalabas sa Tai Kwun JC Cube sa March 26 at sa April, Lunes sa Premiere Elements.

Kuwento ni Ibyang, “Short film pa lang ‘yan, pagkatapos ng Hongkong filmfest, gagawing full length ni direk at iri-release ng Quantum Films. Kasama ko Arjo (Atayde) sa movie.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi makakadalo ang aktres sa nasabing festival bilang bida sa pelikula dahil may taping pa siya para Project Kapalaran.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending