‘Kangkungan’ video ni Mike de Leon sakto sa eleksyon 2019; drug campaign ni Duterte binanatan
KINALAKIHAN na namin ang ilang pelikulang tatak-Mike de Leon noong kolehiyo. Among them (not in this chronological order) ay ang “Kisapmata,” “Ka-kaba-kaba Ka Ba?” at “Batch 81.”
Natatandaan pa namin ang ilang eksena roon na tumatak sa amin: Vic Salayan’s felling all the members of his family one by one with fatal bullets until he finally shoots himself dead; Nanette Inventor’s (as nun) leading her co-nuns in a riotous choral number; and the frat boys with metal chains in a free-for-all sa saliw ng isang upbeat music.
‘Yun ang mga ginintuang taon ng pelikulang Pilipino when film producers—we supposed—were not as much inte-rested in their investments’ return kundi ang makapagbigay ng mga de-kalidad na panoorin.
Pero bilang mag-aaral whose course had a three-unit subject in Cinema, we were least bothered by the business side to it.
All that mattered ay nakapanood kami ng isang magandang pelikula, at the same time imbibing into our system sino ang mahusay na direktor sa likod ng obrang ‘yon. At isa si Mike de Leon who—mula noon hanggang ngayon—never ceases to impress us with his unparalleled cinematic ingenuity.
Facebook these days had been plugging direk Mike’s latest work. Isa itong video na may 5:05 running time na pinamagatang “Kangkungan.”
Pamilyar na sa atin—except perhaps for the X Geners—ang salitang “kangkungan” which is integrated into the idiomatic phrase “pupulutin ka sa kangkungan.”
In police parlance used many years ago, nagsisilbing tambakan ng mga biktima ng summary execution (o salvage) ang pinagtatamnan ng mga kangkong (na tinatawag ding water spinach o swamp cabbage).
In the same context, ito rin ang tinutumbok ni direk Mike relating the swamp to our likely unfortunate, helpless situation given the present socio-political circumstances.
Huwag ka mag-panic, Aling Tacing. Ingles man ang superimposed graphics pero Tagalog naman ang voice-over na sumasabay sa angkop ng video, kaya napakadaling maintindihan.
While the five-minute or so video is easier to understand, this may not appear so para sa ilan nating mga kababayang sarado na’y naka-padlock pa ang isip. Malinaw naman kasi ang nilalaman nito, the video is a direct, no-nonsense attack against the present leadership. To be more precise, laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Nagsisimula ‘yon sa kanyang pag-eengganyo na wawakasan niya ang drug menace, ang pagmumura at pagpa-flash ng dirty finger ng Pangulo as his way of mocking his critics na ikinatutuwa pa ng kanyang mga tagasuporta, segueing to his nume-rous assaults against human rights advocates at maging sa Simbahang Katolika, putting back to power or setting free ang mga mandrambong sa gobyerno tulad ng mga Marcos while putting in jail or ordering the arrest ng kanyang mga kalaban, tackling our imperiled sovereignty, and culminating in a conundrum kung nais ba nating puluting lahat sa kangkungan.
Sa kabuuan, it’s the voice of reason that resonates at its loudest and should be heard.
Barely two months nga naman ay mag-eeleksiyon na uli. Direk Mike’s video essentially puts to shame ‘yang mga alituntunin na inilabas ng Comelec kung saan at gaano kalaki lang ang pinahihintulutang campaign posters ng mga kumakandidato.
May mga malinaw kasing lumalabag pero hindi naman nito maaksiyunan, o ayaw nilang aksiyunan sa kung anumang kakuwestiyon-kuwestiyong dahilan.
Mike de Leon’s video is so powerful a message in video form na manhid na lang o in-anaestesize or drugged ang hindi matitinag.
By the way, may isang commercial film din kaming napanood sa direksiyon ni Mike de Leon, ang “Hindi Nahahati Ang Langit” tampok sina Christopher de Leon at Lorna Tolentino.
Isang pares ng crystal swan figurines—if our memory serves us right—ang pambungad na eksena.
Yes, hindi nahahati ang langit as this nation should be united kung ang mga mamamayan nito’y umaasa ng magandang kinabukasan.
Swan lake or kangkungan river? Take your pick.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.