BINIGYAN ng “basbas” ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang Kapuso actress na si Winwyn Marquez para sa sumali uli sa Bb. Pilipinas ngayong taon.
Naniniwala si Pia na strong contender ang dalaga sa pagiging Miss Universe Philippines 2019 sakaling makipag-compete uli siya this year.
Sa Instagram photo ng anak nina Joey Marquez at Alma Moreno nag-comment si Pia ng, “The category is… Miss U Material.”
Narito ang reaksyon ni Winwyn sa mga kumukimbinsi sa kanyang sumali sa Bb. Pilipinas 2019, “Nakakataba ng puso na you still support me and pinupush niyo akong sumali kasi naniniwala kayo and sobrang thank you.
“Pero to be honest, I’m really not sure yet. Marami pa kasi ako kailangan gawin this year,” aniya pa.
Huling sumali sa nasabing pageant si Winwyn noong 2015 at noong 2017 siya ang first Pinay na kinoronahang Reina Hispanoamericana.