Piolo ibinuking ni Yul: Gusto niyang maging mayor sa Pasig
SADYANG malapit ang puso ni Yul Servo sa mga taga-showbiz especially sa mga entertainment writers. Halos lahat ng manunulat sa showbiz ay ‘di lang kilala ni Yul kundi naging malapit din sa kanya. ‘Di kasi siya namimili o nagtatangi ng iilan lang.
Malaking bahagi nito ang yumao niyang mentor and manager na si Direk Maryo J. delos Reyes.
Nag-uumpisa pa lang sa showbiz si Yul noon, e, talaga namang inilapit na siya ni Direk Maryo sa mga showbiz writer.
Una kaming ipinakilala ng pormal ni Direk Maryo kay Yul sa isang pocket interview sa Shangri-la Makati. Noon pa man ay very charming na siya at masarap kausap na nadala hanggang sa pagpasok sa politika.
Sa kabila ng namamayagpag na career niya sa politika, pinili pa rin ni Cong. Yul na mag-celebrate ng kanyang birthday with the entertainment press.
“Dati kapag birthday ko nagpupunta ako sa mga orphanage, ospital. Saka dati ang ginagawa ko kapag birthday ko may entertainment. Sabi ko, kung mag-iimbita ka ng kakanta, may stage, may mga ano, pera rin, e. Pero actually, gusto ko talagang mag-celebrate kasama kayo,” ngiti niya.
Nu’ng nakaraang birthday niya last Feb. 22, umaga pa lang ay busy na siya. Inasikaso niya ang mga medical at financial assistance ng mga taga-District 3 ng Maynila. Wala pa raw kasi ang DSWD noon.
Nilinaw naman ni Cong. Yul na hindi nag-i-sponsor sa birthday niya ang actor na si Piolo Pascual. Bagkus, nagpi-pledge raw ang aktor ng donation kapag birthday ng aktor.
“Taun-taon ginagawa niya dalawang beses, birthday niya at Christmas. Nag-request siya na sana raw ‘yung mga walang cellphone. ‘Yung talagang mahihirap. Kasi nu’ng parang picture-picture, nakita niya mga naka-iPhone pa ‘yung mga nandoon. Ang gusto niya yung talagang mahihirap,” sabi niya.
Pagpapatuloy ni Yul, “Kaya nu’ng sumunod tuwang-tuwa talaga yung mga natulungan niya. Nakakakita pa sila ng artista. Tapos parang bumaba pa ‘yung ASAP, talagang nagpa-concert siya doon. Ang swerte-swerte ko.”
Hindi rin niya ini-encourage si Piolo na tumakbo. Tingin niya mas mahal ni Piolo ang pag-aartista at pagbi-business.
“Actually dati narinig ko ‘yan gusto niya mag-Mayor, sa Pasig. Siya ang nagsabi na gusto niya. Nu’ng panahon pa yun ng Sa Puso ko Iingatan Ka, matagal ‘yun. Tapos ngayon, may may nag-o-offer na siguro sa kanya dahil mas malupit na siya, ‘di ba?
“Dati nangangarap kami, pero mukhang nag-iba na ang priority niya. Pero kahit wala siya sa politics napakarami pa rin niyang natutulungan,” sabi pa ng actor-politician na tatakbo uling kongresista sa ikalawa niyang termino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.